Ninang Joy (Ika-29 labas)
February 6, 2005 | 12:00am
"Ano na kaya ang nangyari kay Ninang Joy?" tanong ko minsan kay Mama. Naglilinis ako sa salas.
"Siguradong nasa US na iyon. Baka dinala na roon ng naka-penpal."
"Sana sumulat man lamang sa atin."
"Susulat yon. Siguroy marami lang ginagawa. Ganyan daw ang buhay sa State, masyadong nagmamadali ang mga tao roon para kumita ng pera. Ibat iba ang trabaho."
"Sabi pa padadalhan daw ako ng pera."
"Naku, huwag kang umasa at baka mabigo ka."
"Kung alam ko lang ang address niya sa State, ako ang susulat."
"Kaso nga hindi mo alam."
"Saan ba ang bayan nila sa Laguna Ma?"
"Sa San Pablo City."
"Paano pumunta roon, Ma?"
"Bakit?"
"Pumunta tayo sa kanila. Itanong natin kung paano masusulatan si Ninang Joy."
"Puro ka kalokohan. Hindi ko nga alam kung saan ang San Pablo. Ikaw Eric kung anu-ano ang naiisip mo ha? Sige tapusin mo yang ginagawa at mag-aral ka ng lesson mo."
Supalpal ako.
Lumipas pa ang mga taon at walang sulat na dumating kay Ninang Joy.
Marami na ang pagbabago sa aming bahay. Nadagdagan pa ang mga estudyanteng boarders at siyemprey hindi maiwasang pagsawain ni Eric Baby ang mga mata sa magagandang katawan habang naliligo sa banyo. Boso nang boso. Hanggang sa magsawa ako. Parang pagkain din palang nakasasawa ang panonood ng mga "hiyas". Kapag ganoon nang ganoon ang nakikita, nakakaumay na.
Fourth year na ako sa college nang magkasiyota. Nalimutan ko na si Ninang Joy at ang larawan ni Ate Cora ay malabo na rin sa akin. Ang buong atensiyon ko ay nalipat kay Jamie. Si Jamie ay kaklase ko. Simpleng babae. Maganda. Mabait. Para sa akin, siya na ang kapalit ni Ninang Joy.
(Itutuloy)
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended