^

True Confessions

Ninang Joy (Ika-28 labas)

- Ronnie M. Halos -
(Batay sa kasaysayan ni ERIC ng Riyadh, KSA)

"BA’T mo alam?" nagtatakang tanong ni Mama nang ipagpilitan kong wala pang nobyo si Ate Cora kaya imposibleng ang pag-aasawa ang dahilan kaya biglang umuwi sa kanilang probinsiya sa Cagayan.

"Sinabi ba sa’yo?"

"Hindi. Pero wala talagang nobyo ‘yon. Kung meron, sana may dumadalaw dito. Mula nang tumira rito wala man lang lalaking naipresenta."

Napatangu-tango si Mama. Kumbinsido.

"Puro pag-aaral kasi ang inaatupag kaya siguro walang nobyo. At saka napakahinhin naman ni Cora ano? Konserbatibo pa. Baka hindi pa nakararanas magka-nobyo. Birhen pa siguro."

Napatango lang ako. Sayang, naisip ko.

"Pero napakabait at saka hindi maramot. Ang alam ko sa mga taga-Cagayan e kurips…" (Kuripot ang ibig sabihin ni Mama.)

Hindi nga kuripot si Ate Cora sapagkat kapag umuuwi galing sa school ay may pasalubong kay Mama. Kundi siopao ay pizza.

"Sayang nawalan ako ng mabait at matinong boarder."

"E di maglagay ka uli ng karatulang WANTED FEMALE BOARDER."

"Sabi naman ng Papa mo, tama na raw ang tatlong boarders."

"E paano ang kuwartong inokupa ni Ate Cora?"

"Sabi ng papa mo gagawing study room n’yo ni Michael."

"Huwag na ‘Ma. Doon na lang ako."

"E may kuwarto ka na ah!"

"Maliit. Gusto ko sa kuwartong iyon e parang tahimik. Makapag-aaral ako nang husto. Pahirap nang pahirap ang subject namin sa Engineering."

"Sige na nga. Bukas linisin mo na ‘yon. Palagay ko maraming bubuwit."

Naalala kong muli si Ate Cora nang marinig ang "bubuwit".

Gusto ko sa kuwartong iyon sapagkat maraming alaala. Una ay si Ninang Joy ang umukopa roon. Kahit paano, naroon pa rin ang alaala niya na hindi ko malilimutan. At si Ate Cora. Sayang! Natikman ko sana ang Dalagang Ibanag kung hindi dumating si Mama. Nabinyagan sana ang "pangderby" na inaalagaan ni Ninang Joy.

Sa kuwartong iyon ko sinasariwa ang mga nakita kay Ninang Joy at ang nadamang sandali kay Ate Cora. Mahirap alisin sa alaala ang magagandang karanasan.

(Itutuloy)

ATE

ATE CORA

BATAY

CORA

DALAGANG IBANAG

NINANG JOY

PERO

SABI

SAYANG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with