^

True Confessions

Ninang Joy (Unang Labas)- (Batay sa kasaysayan ni ERIC ng Riyadh, KSA)

- Ronnie M. Halos -
TUWING Biyernes lamang kami nakapupunta ng Batha para makapamili ng aming mga personal na gamit, sabon, shampoo, toothpaste, pagkain para sa isang linggo at pati na rin diyaryo at magasin. Noon ay walang TFC kaya pawang sa diyaryo lamang kami nakakukuha ng impormasyon tungkol sa mga nangyayari sa Pinas.

Ang Batha na aking binanggit ay kilalang lugar sa Riyadh na paboritong pasyalan at pamilihan ng mga Pinoys. Sanrekwang Pinoy ang makikita sa Batha kung Huwebes at Biyernes. Karamihan ay nagpapalipas ng oras, ng kahomsikan at kung anu-ano pang dahilan.

Malayo ang lugar na aming pinagtatrabahuhan sa City Center kung kaya maramihan kung kami’y bumili ng mga gamit. Isang grupo kami ng mga engineers na nakadestino sa may bahaging silangan ng Riyadh. Gumagawa kami ng mga tunnel. May sarili akong sasakyan pero sa pagpunta sa Batha, sa aming service ako sumasakay. Delikadong magmaneho nang malayuan.

Nakabili na ako ng aking mga gamit at dinala na lahat iyon sa aming service bus pero may nalimutan akong bilhin at pinakamahalaga– aking brief.

Bumalik ako sa Al-Batha Shopping Center at bumili ng isang set ng Hanes brief. Pagkabili ay mabilis din akong lumabas.

Nang masalubong ko sa paglabas ang isang babae, naka-abaya, at sa tantiya ko ay mahigit nang 40-taong gulang. Nagkatitigan kami ng babae. Katamtaman ang taas niya. Maganda.

"Ikaw si… Eric?" sabi.

Hindi ko matandaan ang pangalan pero ang boses niya ay hindi ko maaaring makalimutan.

"Si Eric ka di ba?" tanong muli ng babae.

"Opo. Ako nga po. Ikaw po si Ninang?"

"Natatandaan mo pa rin ako?"

"Opo siyempre naman."

"Kailan ka pa rito sa Riyadh?"

"May isang taon na ako rito Ninang."

"Anong trabaho mo?"

Sinabi kong isa akong engineer sa isang malaking construction company na gumagawa ng mga tunnel.

Napansin kong di mapakali si Ninang. Siguro’y naalalang baka may makakita sa aming motawa na nag-uusap sa publikong lugar.

"Halika nga rito sa loob ng shopping center at nang makapag-usap pa tayo."

Pumasok muli kami. Saglit kong napagmasdan si Ninang. Maganda pa rin siya. Tila hindi nabawasan ang kagandahan.

(Itutuloy)

AL-BATHA SHOPPING CENTER

ANG BATHA

BATHA

BIYERNES

CITY CENTER

IKAW

NINANG

RIYADH

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with