"Anong oras na ba diyan?" tanong ni Ate Tet.
Sumagot si Kuya Felipe at tumatangu-tango si Ate Tet.
"Sige inaantok na ako."
Sumagot si Kuya at napatangu-tango muli si Ate Tet.
"Magpadala ka nga pala ng pera at may kailangan daw sa school si Jimpoy "
Lalo akong nakinig nang banggitin ni Ate Tet ang pangalan ko. Wala naman akong kailangan sa school. Ako pa ang ginawang dahilan.
"Sige. Hintayin ko ang pera kailangan na e. Sige. Bye!"
Natapos ang usapan. Nang lumapit sa akin si Ate Tet ay tinanong ko kung bakit ako ang gina- wa niyang dahilan gayong wala naman akong pagbabayaran.
"Mabuti na yung marami tayong pera," sabi at hinimas ang dibdib ko. "Balak ko kasi, mag-Baguio tayo. Nakapunta ka na ba roon?"
"Hindi pa."
"Punta tayo sa summer. Ilang buwan na lang at close na ang school. Magpalamig naman tayo roon."
"Paano kung biglang tumawag si Kuya at wala tayo pareho?"
"Bahala siyang tumawag. Madali lang namang gumawa ng dahilan. Akong bahala "
"Paano kung may makakita sa atin doon?"
"Ano namang masama?"
"Baka makarating kay Kuya."
"Hindi. Halika na nga at tapusin natin ang pagkain."
"Ayoko na."
Tumayo si Ate Tet at nagtungo sa kusina. Palihim ko namang kinuha sa ilalim ng sopa ang notebook na may telephone number ni Thris, ang babaing nakilala ko sa SM. Dinala ko sa kuwarto ang notebook at itinago. Nalimutan na ni Ate Tet ang tungkol sa itinatago ko sa notebook. Nakatikim kasi ng kaligayahan sa akin. (Itutuloy)