^

True Confessions

Ang kasalanan ko kay kuya Felipe (Ika-78 labas)

- Ronnie M. Halos -
(Batay sa tunay na kasaysayan ng isang nagpapatawag sa pangalang JIM. Ang iba pang pangalan ay sadyang binago ng awtor.)

BIGLA kong inagaw ang notebook kay Ate Tet.

"Bakit?" tanong niya.

Hindi ako sumagot. Saka naisip ko baka maghinala na may itinatago akong notebook kaya bigla kong inagaw. Hindi ko sana inagaw iyon. Binigyan ko lang ng pagkakataong kumatha ng hinala.

"May itinatago ka siguro sa akin ano?"

Naloko na. Nagsisi ako kung bakit nag-panic agad.

Pero madali rin naman akong nakapag-isip ng paraan.

"Makikita mo rito ‘yung grade ko. Kakahiya," sabi ko sa mababang boses. Pinilit kong alisin ang asar na nadama ko mula pa kaninang dumating ako. Kailangang ako ang magpakumbaba para hindi na mag-usisa sa pagkakaagaw ko sa notebook. Kapag kinuha niya ang notebook ko tiyak na makikita niya ang pangalan ni Trish at ang phone number. Malaking gulo kapag nangyari iyon. Iisipin na siyota ko si Trish. At baka tawagan. Kakahiya.

"Nagsisinungaling ka. Akina ang notebook…"

"Meron akong mababang grade rito. Kakahiya nga."

"Ba’t ayaw mong ipakita?"

"Kakahiya nga."

"Akina ang notebook. Baka iyan ang dahilan kaya ka naaatrasado ng uwi."

Naloko na. Matalino kasi si Ate Tet at maaaring gumawa ng kuwento.

Nilapitan ko si Ate Tet. Tinabihan ko sa pagkakaupo. Pero hindi para ibigay ang notebook.

Niyakap ko at saka hinalikan sa labi. Pagkatapos ay sa puno ng taynga. Pagkatapos ay sa puno ng dibdib. Pagkatapos ay inililis ko ang suot niyang t-shirt. Nalantad ang malulusog na dibdib. Buo pa rin ang mga iyon. Para akong sanggol na nakasumpong ng gatas. Palihim kong inilapag ang notebook sa ilalim ng sopa. Nagdedeliryo na si Ate Tet. Lalo pa nang batakin ko ang suot na shorts. Nalantad ang kagubatan na ilang ulit ko na ring nakita at napagsawaan. (Itutuloy)

AKINA

ATE TET

KAKAHIYA

NALANTAD

NALOKO

NOTEBOOK

PAGKATAPOS

PERO

TRISH

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with