^

True Confessions

Ang kasalanan ko kay Kuya Felipe (62)

- Ronnie M. Halos -
LASING na yata talaga ako sapagkat bigla kong nakita sa repleksiyon ng tubig sa inidoro ang mukha ni Kuya Felipe. Tinitigan kong mabuti. Malinaw. Umihi ako. Kahit bumagsak ang ihi sa inidoro hindi pa rin maalis doon ang repleksiyon ng mukha ni Kuya Felipe.

At saka lamang nagliwanag sa akin ang lahat. Maaaring paalala iyon ni Kuya Felipe sa akin. Huwag akong magdodroga. Iwasan ang barkada. Walang mararating ang pakikipagbarkada. Hindi makatatapos sa pag-aaral. Walang mararating. Walang-wala! Kailangang makatapos daw ako ng Engineering at ipapasok ako sa kanilang kompanya. Malaki ang suweldo. Puwedeng dalhin ang pamilya roon. Pagbutihin ang pag-aaral at para hindi matulad sa aking ama na winaldas ang buhay. Sapat iyon para mawalang tuluyan ang epekto ng beer sa aking katawan.

"Jim! Jim!"

Nagulantang ako sa tawag at ang kasunod ay ang pagkatok sa pinto. Si Frank! Nakahanda na siguro ang paraphernalia. Magsa-shabu na kami. Hindi ako magpapahalata na ayaw ko. Makikisama lang ako.Tatakas ako kapag nalingat sila.

"Jim buksan mo ‘to!" sabi ni Frank.

Binuksan ko.

"Tagal mo Jim. Ihing-ihi na ako. Nakahanda nang bushab. Intay ka lang diyan ha?"

Pumasok si Frank sa CR. Sinamantala ko iyon para tumakas. Mabilis akong nagtungo sa main entrance. Kahit na madilim ay nagawa kong maalis ang kandado ng pinto. Maingat, marahan at nabuksan ko ang pinto. Eksaktong naalis ko ang kandado ay palabas naman sa CR si Frank.

(Itutuloy)

vuukle comment

AKO

BINUKSAN

EKSAKTONG

HUWAG

IHING

KAHIT

KUYA FELIPE

NAKAHANDA

SI FRANK

WALANG

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with