^

True Confessions

Ang kasalanan ko kay kuya Felipe (Ika-60 labas)

- Ronnie M. Halos -
(Batay sa tunay na kasaysayan ng isang nagpapatawag sa pangalang JIM.Ang iba pang pangalan ay sadyang binago ng awtor.) IPINAKILALA ako ni Frank sa mga lalaki at babae roon. Madilim ang kuwarto at ang isang pulang ilaw lamang na nasa sulok ang nakasindi. Nakasalampak sa sahig ang mga magkakaparehang lalaki at babae. Mayroong nasa mesa at nag-iinuman. Beer ang iniinom.

"Mga partners si Jim, kaklase ko sa high school. Bagong miyembro na natin."

Walang reaksiyon. Patuloy sa pag-inom at paninigarilyo ang grupo. May nag-uusap at nagtatawanan. Hindi naman ako makakibo.

"Putsa naman makinig kayo!"

Saka natahimik. Isa ang sumagot.

"Nakikinig kami Frankie Boy. Hwag kang bugnot."

"Ang ingay kasi n’yo."

"Kilala na namin kasama mo. Hindi naman kami bingi."

Saka lamang bumaba ang boses ni Frank.

"Painumin mo na ‘yan Frankie Boy. Mamaya puwede nang sundutin yan…" sabi ng lalaking medyo tigasin kaysa kay Frank. Ano kaya ang susundutin.

Pinilit akong painumin ng beer ni Frank. Mapait. Inubos ko ang nasa bote. Nakainom na rin ako noon ng beer. Pinainom ako ni Kuya Felipe. Para sa akin ay hindi masarap. Naroon ang pait.

Nakaramdam ako ng hilo pero kaya ko pa naman. Binigyan uli ako ng ikalawang bote ni Frank.

"Hindi ko kaya Frank, tutol ko."

"Kaya mo ‘yan,"

Wala akong magawa kundi inumin ang beer.

Nang lumalim ang gabi ay saka ko nalaman kung paano ang pagsundot. Shabu ang pinangsusundot nila. Inalok ako.

(Itutuloy)

AKO

ANO

BATAY

BINIGYAN

FRANK

FRANKIE BOY

HWAG

KUYA FELIPE

SAKA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with