^

True Confessions

Ang kasalanan ko kay kuya Felipe (Ika-57 labas)

- Ronnie M. Halos -
(Batay sa tunay na kasaysayan ng isang nagpapatawag sa pangalang JIM.Ang iba pang pangalan ay sadyang binago ng awtor.)

"NATATAKOT ako Ate Tet."

"Huwag kang matakot. At kung aalis ka saan ka naman pupunta?"

"Bahala na."

"Huwag! Huwag kang aalis dito. Hindi naman malalaman ang mga nangyari."

"Kasi’y hindi naman totoo na nagloloko si Kuya Felipe. Bakit nagsinunga-ling ka sa akin?"

"Kasi’y gusto kita. Mas mahal pa kita kaysa kay Ipe."

"Pero malaki ang agwat ng edad natin. Anak mo lamang ako."

"Basta iyon ang nararamdaman ko. Huwag kang umalis dito ha Jim."

Umalis ako sa harapan niya. Lumabas ng bahay.

"Jimpoy saan ka pupunta?" Hindi ako sumagot. Mabilis kong tinungo ang sakayan ng dyipni at pinara ang unang nakitang dyipning dumaan. Hindi ko alam kung saan pupunta. Bahala na!

Patungong Quiapo ang dyipni. Pagdating sa Quiapo ay bumaba ako. Naglakad-lakad hanggang sa makarating sa Carriedo. Pumasok sa isang mall doon. (Itutuloy)

vuukle comment

ANAK

ATE TET

BAHALA

BAKIT

BATAY

HUWAG

KASI

KUYA FELIPE

PATUNGONG QUIAPO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with