Ang kasalanan ko kay kuya Felipe (Ika-54 labas)

(Batay sa tunay na kasaysayan ng isang nagpapatawag sa pangalang JIM.Ang iba pang pangalan ay sadyang binago ng awtor.)

NAIHALINTULAD ko ang sarili sa isang bangkang papel na tinatangay ng alon patungo sa laot. Dahan-dahan. Hanggang sa maramdaman kong sinisilaban ang katawan.

"Ate…" pero ang pagtutol ko ay walang halong galit bagkus ay pagpapaubaya pa. Gusto ko rin. Mahirap dayain ang sarili. Matagal na ring nagti-timpi lalo pa at nakikita ko ang mga ayos ni Ate Tet na paburarang pag-upo sa sopa habang naglilinis ng kuko. Nakita ko na nang malapitan ang kanyang itinatago subalit tila balewala sa kanya. Kaya pala. Kusang ipinakikita sa akin. Hindi iyon dahilan nang pagiging burara sa kilos.

"Ate…"

"Gusto mo rin di ba?"

Napatango ako.

Nabuksan niya ang siper. Nakita ang kapirasong saplot na siya pa ang bumili sa akin. Mula roon ay inilabas ang hinahangad niya. Matagal na palang hinahangad. At nalantad pa ang katotohanan na matagal na niyang nakita iyon. Naalala ko ang mga butas sa dingding ng banyo. Kaya pala.

"Gusto mo rin pakipot ka pa?"

"Kasi’y si Kuya Felipe."

"Huwag mong intindihn ang hayop na iyon."

Gumaganti na naman siya? Pero bakit ako? Katulad nang pagrerebelde niya sa unang asawa na pati kasamahan sa trabaho ay nagpakangkang.

Naalis ang kapirasong saplot na ibinili sa akin. Bumulaga ang gustong makita.

Iyon na ang simula. Ayaw ko at parang gusto ko. Pero malakas ang hatak ng kamandag ni Ate Tet at isinalin na iyon sa akin. (Itutuloy)

Show comments