"Sigurado ka ba Ate Tet?"
Tumango ito habang nakasubsob. Tumigil na sa pag-iyak.
"Paano mo nalaman Ate Tet?"
Itinaas ang mukha. Inayos ang sarili.
"Kasiy naging malamig na siya sa akin nitong hu-ling uwi niya. Nawala ang kalib!" Ibinitin iyon pero alam ko naman.
"Katibayan ba yon na may iba siyang babae?"
"Ganyang-ganyan ang asawa kong seaman."
"Ate Tet baka masyado ka lamang nagdududa. Nasa iyo pa ang epekto ng pagtataksil ng dati mong asawa."
"Hindi Jim. Malakas ang kutob ko. At isipin mo bakit sandali lamang ang bakasyon niya. Isa pa, sabi koy isang contract lang siya roon pero ngayon, bumalik pa."
Napailing-iling ako. Hindi pa rin ako makapaniwala. Masyado na lang ang trauma niya. At gusto na namang magrebelde. Pati ako ay gustong magkasala. Tinutukso ako. Pinapainan. At inaamin ko, natatangay ako. Nahihipnotismo ako.
"Kung sakali at iwan ako ni Ipe, iiwan mo rin ako, Jim?" tanong ni Ate Tet.
"Hindi ka niya iiwan," mariin kong sabi. "Ako ang magsasabi sa kanya."
"Bakit hindi mo ako sagutin? Iiwan mo rin ako o hindi?"
"Hindi!"
Saka bigla akong hinalikan sa labi. Mariin saka inilabas ang dila.
"Ate "
Saka lang bumitaw.
"Magagalit si Kuya Felipe Ate..."
"Hindi naman niya malalaman."
Natatangay na ako. Nagtatagumpay nang gisingin ang pagkalalaki ko.
"Tayong dalawa lang ang makaaalam Jimpoy."
"Tatarantaduhin ko si Kuya, Ate?"
"Hindi naman niya malalaman. Akong bahala. Wala siyang malalaman. Saka, nambababae rin naman siya roon."
Hinimas ni Ate Tet ang buhok ko. Hinagod ang likod ko.
"Saka ako naman ang nag-aasikaso sayo rito. Ako ang nagbibigay ng kailangan mo. Kaysa naman sa iba ka pa mapunta e di ako muna."
Masidhi ang pagnanasa niya sa akin. Lumabas na ang tunay na dahilan nang mga pag-aalala at pagbibigay ng mga regalo. May kapalit siyang hinihingi.
"Gusto koy bata at sariwa Jim," sabi pa at ang paghaplos sa likod ko ay dumako sa aking dibdib. At saka dumako sa aking tiyan. Pumaibaba pa. Hanggang sa simulang alisin ang butones ng aking short. Parang ayaw ko na gusto ko naman. (Itutuloy)