NAGBAKASYON noon si Kuya Felipe at nagkataong bayaran sa school para sa nalalapit naming graduation. Hindi ako makapagsabi sa kanya kaya kay Ate Tet ako nagsabi. Nalaman iyon ni Kuya Felipe at pinagalitan ako. Unang pagkakataon na sinermunan ako.
"Bat hindi ka nagsasabi sa akin e kailangan mo pala?"
"Nahihiya na ako Kuya."
"Nahihiya ka sa akin pero kay Ate Tet mo e hindi?
"Hindi naman gaanong malaking pera Kuya, kaya hindi na kita inistorbo."
"Kahit pa. Kakahiya kay Tet. Kahit na ba malaki ang suweldo niya e aasa ka sa kanya. May mga anak din yan alam mo ba yon?"
Tumango ako. Gusto kong sabihin na alam ko na ang buhay ni Ate Tet. Pati ang panlalalaki niya makaraang lokohin ng asawa.
"Mabait yan pero huwag mong aabusuhin. Sa akin ka magsabi kapag may problema ka sa pera."
"Opo Kuya,"
Sinumbatan ko naman si Ate Tet. Sabi ko sana hindi na niya sinabi kay Kuya Felipe.
"Para malaman ni Felipe na kuripot siya. Dapat tinatanong ka kung ano ang gusto. Halimbaway tungkol sa school. Mabuti pa ako at alaga kita."
"Oo nga Ate Tet. Para kitang nanay."
"Hoy mahiya ka! Parang kapatid."
"Matandang kapatid."
Kinurot ako sa tagiliran.
"Kaya ngayon, humingi ka nang humingi ng pera sa kanya para sa school. Tiyak na marami kang babaya-ran dahil ga-graduate ka na."
"Susubukan ko Ate."
"Huwag mong subukan. Gawin mo na habang narito at bakasyon.
Ginawa ko nga. (Itutuloy)