^

True Confessions

Ang kasalanan ko kay kuya Felipe (Ika-45 labas)

- Ronnie M. Halos -
(Batay sa tunay na kasaysayan ng isang nagpapatawag sa pangalang JIM.Ang iba pang pangalan ay sadyang binago ng awtor.)

MASAKLAP ang buhay may-asawa ni Ate Tet. Naging kawawa. Bigo. Kaya nagrebelde at ibinigay ng libre sa dalawang lalaki ang pagkababae. At kay Kuya Felipe nakasumpong nang matatawag na tunay na pag-ibig. Siguro raw, si Kuya Felipe na ang last.

"Iyon ay kapag hindi niya ako niloko. Kapag sinaktan niya ako, baka magwala uli ako."

"E di pinasama mo lang ang sarili mo. May anak ka pa namang dalawa at babae pa. Kawawa naman sila Ate Tet."

Parang nakadama ng kasiyahan si Ate Tet dahil sa sinabi ko. Naging seryoso ang mukha at niyakap ako.

"Eto naman nagbibiro lang ako," sabi. "Hindi na ako gagawa niyon. Sabi ko lang iyon. Mabait naman si Ipe siguro."

"Mabait si Kuya Felipe Ate. Hindi ka niya papalitan."

"Sana."

Pagkuwa’y tumayo si Ate Tet.

"Halika sa labas tayo kumain."

"Bakit?"

"Wala. Parang sa mabuti nating pagkakaibigan. Nalaman mo na ang buhay ko."

"Gabi na, Ate."

"Ano naman yon. Kami ni Ipe kapag masaya ay kung saan-saan nagpupunta. Inaaliw ang sarili. Dapat ikaw ganoon din. Para malimutan ang lahat."

Naisip ko ang kalagayan ko. Naisip ko na naman ang nakaraan. Walang mga magulang. Naghahanap ng pagmamahal pero kanino hahanapin. Ngayong nagbibinata na ay lalong tumitindi ang paghahanap.

"Mabuti ang paminsan-minsang lumalabas, nanonood ng sine at kumakain sa labas. Para kapag nagkakuwentuhan sa klase, meron kang ipagyayabang," sabi at hinawakan ako sa kamay. "Magbihis ka na."

Sabagay may katwiran si Ate Tet. Masyado ngang advance ang mga kabataang lumaki rito sa Maynila. At ang katulad kong probinsiyano ay dapat matutuhang umagapay sa kanila. Hindi dapat magpahuli o magpakupad-kupad.

Nagbihis ako at umalis kami ni Ate Tet. Parang kaming mag-inang namamasyal at kumakain sa labas. Talo ko pa ang mga anak niya sapagkat naipakikita sa akin ang pagmamahal ni Ate Tet.

"Isa lang ang huwag mo munang pag-aaralan."

"Ano yon Ate?"

"Huwag ka munang manliligaw. Huwag ka munang mauulol sa babae."

(Itutuloy)

AKO

ANO

ATE

ATE TET

HUWAG

IPE

KUYA FELIPE

KUYA FELIPE ATE

MABAIT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with