^

True Confessions

Ang kasalanan ko kay kuya Felipe (Ika-40 labas)

- Ronnie M. Halos -
(Batay sa tunay na kasaysayan ng isang nagpapatawag sa pangalang JIM. Ang iba pang pangalan at lugar ay sadyang binago ng awtor.)

 


"ANG bastos ni Ipe ano?" sabi ni Ate Tet at isa-isang binuklat ang mga panties na padala ni Kuya Felipe. Pawang mga itim iyon. "Gusto pang ipadala ko ang bagong hubad na panty. Sira ulo talaga!"

Humagikgik din ako. Nakatutuwang paking-gan si Ate Tet kapag nagsasalita ng kaberdehan.

"May mga nabibili palang panty sa Saudi Ate?"

"Oo naman. Kuwento ni Ipe, marami ring department store roon pero hindi katulad dito sa Pilipinas."

"E di marami ring mga babae roon?"

"Siyempre. Sabi ko nga nang minsang tumawag sa opisina, huwag siyang manliligaw ng DH doon o nurse."

"Hindi naman siguro playboy si Kuya Felipe Ate."

"Anong hindi. Malibog yon. Parang rabbit na hindi mapakali kapag hindi naka-"ano", sabi at pagkatapos ay humagikgik. "Ikaw baka katulad ka ni Ipe."

Napangiti lamang ako.

"Sa tingin ko malibog ka rin," at nagtatawang inihagis sa akin ang isang panty at tumama sa mukha ko.

Tumawa lamang ako at pinulot ang panty at ibini-gay sa kanya.

"Tulad din ng asawa kong malibog na nag-jump sa barko. Dahil sa kalibugan, iniwan na kami…" at saka naramdaman ko na parang bumaba ang tono ng boses.

Sa pakiramdam ko, may hinanakit pa si Ate Tet. Hanggang ngayon ang sugat na nilikha ng asawang seaman ay hindi pa bumabahaw.

"Kaya kung napapansin mo na ako’y umiinom, iyon ay para lang pasayahin ang sarili ko. Kaunti lang naman. Gusto ko lang makalimutan ang mga nangyari noon."

Tiningnan ko si Ate Tet. Seryoso na ang mukha.

"Alam naman ni Ipe ang kuwento ng buhay ko. Wala akong inilihim. Kahit na ang pag-inom ko ng alak, okey sa kanya…"

(Itutuloy)

ALAM

ANONG

ATE

ATE TET

BATAY

IPE

KUYA FELIPE

KUYA FELIPE ATE

SAUDI ATE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with