^

True Confessions

Ang kasalanan ko kay kuya Felipe (Ika-35 labas)

- Ronnie M. Halos -
(Batay sa tunay na kasaysayan ng isang nagpapatawag sa pangalang JIM. Ang iba pang pangalan at lugar ay sadyang binago ng awtor.)

MABIGAT ang braso ni Ate Tet na nakatuon sa aking "harapan". Ang pagkatuon doon ang nagpasigla para mabuhay ang nasa ilalim ng pantalon. Masyadong malikot si Ate Tet sa pagkakaupo na akala yata’y si Kuya Felipe pa rin ang kasama niya sa panonood. Parang kiti-kiti sa dram na hindi mapirmi ng upo lalo pa at suspense ang pinanonood. Nalilimutang ang kasama ay isang bagong nagbibinata na nagkakaroon na ng malisya.

Inaamin ko na natangay ako kanina sa pinanonood na magsiyota kaya kaunting saling lang sa aking "harapan" ay nagagalit na iyon. Masyadong naging sensitive ang aking "harapan" mula nang magkaroon ng malisya sa mga bagay na may kinalaman sa relasyon ng lalaki at babae.

Pero sa tingin ko naman, hindi sinasadya ni Ate Tet ang pagtuon ng siko sa aking "harapan". Masyado lang sigurong natangay sa pelikulang katatakutan. Hindi naman siguro nagsasamantala at gustong malaman kung gaano "kalaki" ang nasa "harapan" ko. Propesyunal si Ate Tet at saka hindi ko na itinuturing na iba pa sa akin. Iginagalang din sapagkat "asawa" ni Kuya Felipe.

Hinayaan ko ang pagkakatuon ng siko sa aking "harapan". Nilabanan ko ang pag-igkas o pagkagalit niyon. Kakahiya. Naidlip na lang ako.

Nagising ako sa tapik ni Ate Tet sa aking hita.

"Jimpoy, uwi na tayo," sabing pabulong ni Ate Tet.

Kumilos ako.

"Tapos na Ate Tet?"

"Oo. Ikaw kasi tulog nang tulog."

Tumayo kami. Hinawakan ako sa kaliwang kamay at lumakad. Marami pang hindi nagtatayuan kahit tapos na ang pelikula. Karamihan sa mga naroon ay magkakapareha. Mga magsiyota. Nakalabas kami sa sinehan.

Nadama namin ang init sa labas. Masyadong malamig kasi sa sinehan.

"Alas tres na pala," sabi ni Ate Tet matapos tumingin sa relo.

"Uuwi na ba tayo Ate?"

"Punta muna tayo sa deparment store."

"Bakit?"

"Ibibili kita ng brief."

Nagtaka ako kung bakit brief ang ibibili sa akin.

(Itutuloy)

vuukle comment

AKING

AKO

ATE

ATE TET

BAKIT

BATAY

KUYA FELIPE

MASYADONG

TET

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with