^

True Confessions

Ang kasalanan ko kay Kuya Felipe

- Ronnie M. Halos -
"MALIIT pa yan. Palakihin mo muna," sabi pa ng crush ko na ang pangalan ay Jam.

Hinahamon ako.

"Malaki na ito."

Nagtawa ang dalawa.

"Baka kagalitan ka ni Ipe."

"Hindi," sagot ko.

"Aba palaban na," sabi ni Jam.

Naguluhan ako. Ngayong lumalaban na ako ay saka naman sila umaayaw.

"Crush kita talaga," sabi ko kay Jam.

Nagtawa si Jam at ang kasamang si Joy. Nakakaasar na tawa. Iniwan ko ang dalawa. Biglang nagbago ang mood ko.

Ikinuwento ko iyon kay Kuya Felipe. Wala akong inililihim sa kanya. Nagta- wa nang nagtawa si Kuya Felipe.

"Ginogoyo ka lang ng dalawang "pokpok" na iyon."

"Anong pokpok Kuya Felipe?"

"Prostitute. Bayarang babae."

"Di ba sabi mo mga estudyante yan?"

"Hindi. Kagabi ko lang nadiskubre na mga "pokpok" palang mga ‘yan. Nakatambay kung gabi sa kahabaan ng Quezon Avenue. Sinasabi lang na estudyante para maganda ang dating sa kustomer."

"Kaya pala mga burara kung kumilos," sabi ko.

"Nasisilipan mo ba?"

"Oo Kuya."

"Hanggang silip ka lang. Huwag ka nang sosobra pa roon at baka matuliro ang isip mo."

"Madalas ko ngang ma-imagine ang nakikita ko. Parang gusto kong ano..." sabi ko pa.

Napahagalpak ng tawa si Kuya Felipe.

"Bata ka pa. Huwag ka munang titikim. Magkasya ka na lang sa diyakul..."

Isang buwan pa ang nakalipas ay namalayan ko na lang na wala na sina Jam at Joy sa third floor. Hinayang na hinayang ako.

(Itutuloy)

vuukle comment

ANONG

BATA

BAYARANG

BIGLANG

HUWAG

KUYA FELIPE

NAGTAWA

OO KUYA

QUEZON AVENUE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with