Ang kasalanan ko kay kuya Felipe (Ika-5 labas)
July 18, 2004 | 12:00am
(Batay sa tunay na kasaysayan ng isang nagpapatawag sa pangalang JIM. Ang iba pang pangalan at lugar ay sadyang binago ng awtor.)
"MALIGO na tayo," yaya ni Kuya Felipe kay Ate Tet, isang oras maka-raan kaming dumating. Hinalungkat muna ang box na dala ni Kuya na may mga lamang pasalubong. Sapatos, chocolate, sigarilyo, at kung anu-ano pa.
"Sige. Malagkit na nga ang katawan ko," sagot ni Ate Tet.
"Jimpoy, ayusin mo muna ang mga nasa kahon ha?" baling sa akin ni Kuya Felipe.
"Opo Kuya."
Nakita ko ang dalawang pumasok sa banyo. Nagtatawanan. Marahang isi-nara ang pinto ng banyo. Narinig ko ang malakas na bagsak ng tubig sa timba. Para bang sinadyang inilakas para hindi marinig ang kung anumang gagawin nila sa banyo. Pero kahit na anong gawin, naririnig ko pa rin ang kanilang tawanan at paghaharutan.
"Ipe! Diyos ko naman! Ipe!"
"Libog na libog na ako sa iyo!"
"Sandali lang!" Sandali lang!"
"Anong sandali. Anong sandali!"
"Ay! Ayyy! Diyos ko, Ipe!"
"Anung-ano na ako."
Malakas pa rin ang bagsak ng tubig. Pero naririnig ko pa rin ang harutan nila.
Mamaya ay biglang tumahimik. Ang bagsak ng tubig ay nawala rin. Alam ko mayroon na silang ginagawa.
(Itutuloy)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended