Ang kasalanan ko kay kuya Felipe (Ika-4 labas)
July 17, 2004 | 12:00am
(Batay sa tunay na kasaysayan ng isang nagpapatawag sa pangalang JIM. Ang iba pang pangalan at lugar ay sadyang binago ng awtor.)
ANG alam ko 50 years old na si Kuya Felipe. Pero mas bata siyang tingnan dahil siguro sa naaalagaan niya ang katawan. Sa Saudi daw kasi gaya ng kuwento niya ay may panahong alagaan ang katawan. Lagi raw siyang nagdi-jogging doon at nagbubuhat ng barbell. At nasusunod pa ang gustong pagkain maliban sa karneng baboy. Sagana rin daw doon sa prutas. At ang matindi, wala raw air pollution. Wala rin daw trapik.
"Ang init, Love," daing ni Kuya Felipe nang naghihintay kami ng FX na tinawag namin. Isang lalaking aali-aligid doon ang nagtatawag ng FX.
"Mas lalo kahapon, summer na kasi."
"Sa Riyadh e papasok pa lamang ang taglamig," sabi ni Kuya Felipe na namumula ang pisngi.
Saka lang ako napansin ni Kuya Felipe.
"O bakit tila pumayat ka yata Jimpoy? Mukhang nasosobrahan ka yata sa diyakol ah," sabi at saka nagtawa.
"Paano, gabing-gabi na kung matulog yan," sabi ni Ate Tet.
"Bakit?"
"Nag-aaral ng leksiyon."
"Kumusta naman ang grades mo Jimpoy?" tanong ni Kuya Felipe.
"Okey naman po Kuya."
"Pagbutihan mo para pagdating ng araw ay engineer ka. Malaki ang sahod ng engineer sa Riyadh. Papatik-patik pa ang trabaho. Iyong ibang mga engineers doon nadadala pa ang pamilya."
"Matalino naman yan. Mabuti at hindi nagmana sa iyo."
"Nagmana siguro doon sa pinsan kong tarantado."
Dumating ang FX na aming kinontrata. May mga lalaki sa airport na tumatawag ng FX. Iyon nga lang magbibigay ka ng dollar o riyal sa kanila.
"Bigyan mo ng P100 yung tumawag," sabi ni Kuya Felipe kay Ate Tet.
"Ano sila sinusuwerte?" sabi ni Ate. Dumukot ito ng P20 at inabot. nakasimangot ang lalaki.
"Bos dagdag naman kahit 5 riyals. Kulang pangtanghalian to."
"Bigyan mo na Love," sabi ni Kuya Felipe.
Dumukot si Ate ng sampung piso.
"O ayan!"
"Kuripot. GI siguro," sabi ng lalaki.
Tumakbo na ang FX. Ako ay nasa unahan. Nasulyapan ko sa likuran na nakayakap na si Kuya Felipe kay Ate Tet. Sabik na sabik si Kuya kay Ate.
(Itutuloy)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended