Ang kasalanan ko kay kuya Felipe

(Batay sa tunay na kasaysayan ng isang nagpapatawag sa pangalang JIM. y sadyang binago ng awtor.)

NAGTAXI kami papuntang NAIA kinabukasan. Alas nuwebe kami umalis sa bahay. Magkatabi kami ni Ate Tet sa upuan sa likod ng taxi.

"Anong oras ang dating ni Kuya Felipe Ate?" tanong ko. Hawak ko ang isang plastic bag na may lamang tubig at sandwiches na ginawa ni Ate.

"Alas diyes daw," sagot.

"Baka matrapik tayo."

"Hindi naman siguro. At saka matagal pa bago makalabas iyon sa airport. Di ba noong isang taon e ang tagal nating naghintay."

Napatangu-tango ako. Nasulyapan ko ang mga kuko sa daliri ni Ate Tet. Bagong manicure. Kulay pula ang kulay ng mga kuko. Ganoon din sa mga paa.

Naka-pantalong maong si Ate Tet at blusang kulay puti. Manipis ang pagkakapahid ng make-up. Bagay sa kanya.

"Sa airport na lang tayo kumuha ng FX pag dumating na ang kuya mo."

"Akala ko aarkilahin mo ‘yung FX ng kapitbahay natin. Di ba noong isang taon, inarkila natin yon?"

"Mahal namang sumingil. Tapos gusto pa e hihingi ng sigarilyo at corned beef."

Nasusulyapan ko ang bahaging dibdib ni Ate Tet. Nasisilip ko ang bra niya sa pagitan ng pagkaka-butones. Binabawi ko naman kapag napapatingin siya sa akin.

Mabilis kaming nakarating sa airport. Walang traffic.

Pasado alas diyes kami dumating doon. Eksakto sa pagdating ng Saudia. Nakita namin sa TV monitor. Arrived.

May kalahating oras kaming naghintay at saka namin nakita ang papalabas na si Kuya Felipe habang tulak ang baggage cart.

"Ipe! Ipe!" Tawag ni Ate Tet. Lumingon si Kuya Felipe sa kinaroroonan namin.

Malaking lalaki si Kuya Felipe. Matipuno ang katawan. Makapal ang bigote. Hindi siya guwapo. Iyong tipong kontrabida ang dating. Pero sa kabila ng kontrabidang kaanyuan, walang kasing bait. Super. Kaya nga niya ako inampon at pinag-aaral.

(Itutuloy)

Show comments