Laro sa Putikan (Katapusan)
July 13, 2004 | 12:00am
Kasaysayan ni Jean,isang nurse sa Riyadh,Saudi Arabia
(Ang ilang pangalan ng tao,lugar sa kuwentong ito ay sadyang binago ng awtor)
SA ilang taon ding pagniniig namin ni Kuya Jeff ay naging maingat ako na huwag magbuntis. Alam kong mag-ingat. Pero sa pagkakataong ito, hindi ako nag-ingat. Para ano pa at matatakot akong mabuntis? Gusto kong magkaroon na ng bunga ang pagmamahalan namin. Ngayon pa ba ako mag-aalala na wala naman palang tutol sa aming relasyon. Tanggap na. Naimadyin ko ang mga mangyayari sa amin. Masayang pamilya. Wala nang kaguluhan. Tapos na ang pagsubok.
Masarap magmahal si Kuya Jeff. Ang may dalawang taon naming paghihiwalay ay lalo lamang nagdagdag para uminit at walang kasing sarap ang pagniniig. Talo pa nga ang bagong kasal. Pero hindi kami nagmamadali. Hindi katulad noon na para bang laging may huhuli sa aming paglalaro. Ngayoy banayad na banayad ang lahat. Ang dampi ng mga labi sa aking katawan ay naghahatid pa ng kakaibang sensasyon.
"Gusto mo na?" tanong ni Kuya Jeff.
"Bahala ka."
"Mamaya pa."
"Bahala ka nga."
Sinasabi ko lang iyon pero ang totoo gusto ko na. Bahala nga siya. Akoy tila papel sa isang malawak na karagatan na lulutang-lutang. Nagpapadala sa mahinhing tulak ng alon. Maaliwalas ang karagatan. Walang unos. Masaya ang bukas para sa amin. Nakikita ko. Nadarama ko.
"Gusto ko na," sabi niya.
"Bahala ka nga," sabi kong may diin.
Iyon ang hudyat.
"Kuya Jeff. Kuya Jeff!" iyon ang tangi kong nasabi at sa minsang pagtagilid ng bangkang papel ay natilamsikan ng tubig dagat. Nilamon ng dagat ang papel. Buong-buo.
(Wakas)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended