Laro sa putikan (151)

WALA na ang takot. Nadurog na. Pakiramdam ko para kaming mga ibon na nakawala sa isang hawla.

Magaang-magaan ang pakiramdam ko habang nasa bisig ni Kuya Jeff.

Marahan niya akong ibinaba sa kama. Punumpuno ng pagmamahal. Wala na nga ang takot ko. Hindi katulad noon.

Kumilos ako. Ako naman ang magpapakita ng pagmamahal sa lalaking ito na ang buhay ay minsang sinagasaan ng kasawian. "Ako nang mag-aalis," sabi ko kay Kuya Jeff. Nagpaubaya.

Natanggal ang pang-itaas. Isinunod ko ang pang-ibaba.Tangka kong isunod ang huli ng itim na saplot.

"Huwag muna," sabi.

"Bakit?" tanong ko.

"Basta."

Pero hindi na ako makapaghintay sa kung anuman ang balak niya. Sabik na ako roon. Matagal din ang dalawang taon na hindi nakakain niyon. Hindi na maaaring pigilin ang pagkagutom sa paborito ko. At saka ano pa ang ikatatakot ko? Malaya na kami. Hindi na ako natatakot magkaroon ng bunga.

(Tatapusin)

Show comments