(Ang ilang pangalan ng tao,lugar sa kuwentong ito ay sadyang binago ng awtor)
HINDI ako makapaniwala sa sinabi ni Kuya Jeff. Wala na pala kaming problema sa mga bata. Wala na pala akong dapat ikatakot.
Mas mahirap kung ililihim pa sa kanila. At saka ano pa ang itatago natin? Seryoso si Kuya Jeff sa pasasalita.
Anong sabi nila? Paano mo sinabi Kuya Jeff?
Sabi ko, mag-aasawa na uli ako. Para magkaroon na sila ng ina.
Anong reaksyon?
Ang panganay ay walang imik. Ang bunso agad na tinanong kung sino?
Sabi ko si Tita Jean. Sabi ko mahal kita kasi mabait ka, maunawain at mapagmahal.
Anong sabi?
Aba bigla ba namang nagtatalon sa tuwa si Bunso. Masayang-masaya.
E ang panganay?
Nakangiti lang. Tinanong ko siya kung okey sa kanya. Ang sagot e oo.
Mabuti nga raw at magkakaroon na ako ng kasama.
Hindi ba galit?
Hindi.
Niyakap ko si Kuya Jeff.
Asikasuhin na natin ang ating kasal, sabi nito at ginanti ang yakap ko.
Meron akong kasamahan dito na nagpakasal sa embassy. Hihingi ako ng tip, sabi ko.
Pagkatapos pag-uwi natin sa Pinas saka doon tayo magpakasal sa simbahan. Okey sa iyo?
Hindi ko sinagot. Bagkus ay yumakap pa ako nang mahigpit at hina-likan siya sa labi. Iyon ang unang pagkakataon mula nang mamatay si Ate na hinalikan ko si Kuya Jeff. Ginanti niya ang halik ko. Masarap. Hanggang sa isang iglap ay may nanulay nang ini sa aming katawan.
Doon tayo sa kuwarto, sabi ko.
Ayaw mo rito sa salas?
Basta doon tayo!
Binuhat niya ako patungo sa kuwarto. Para kaming bagong kasal o mahigit pa sa bagong kasal.
(Itutuloy)