(Ang ilang pangalan ng tao,lugar sa kuwentong ito ay sadyang binago ng awtor)
GANOON kabilis ang mga pangyayari. Isang iglap ay narito na sa Riyadh si Kuya Jeff. Magkasama kami sa ospital. Siya ay assistant sa supply section. Malaking bagay na nakapagtrabaho siya noon sa naval supply center kaya nang maiaplay ko sa ospital ay walang gaanong tanong sa kanya ang manager at ganoon din ang director ng ospital nang dumating siya. Malaki ang sahod na nakuha niya. Double kaysa sa suweldo niya noon sa naval supply center. Nakahiwalay ang housing nina Kuya Jeff kaysa sa amin. May 15 minutes lamang ang layo sa ospital ng kanilang housing.
Naging malaking palaisipan sa ospital kung magkaanu-ano kami ni Kuya Jeff. Noon naman kasi ay hindi nahayag ang katotohanan na magbayaw kami. Nailihim namin iyon maski sa mga kapwa ko nurse na tsismosa. Ngayon kapag may nagtatanong kung magkaanu-ano kami ni Kuya Jeff ako na ang mabilis na sumasagot at may pagmamalaki.
Nobyo ko siya at malapit na kaming magpakasal.
Nakita ko sa mga mukha ng mga nagtanong ang pagtataka. Kasiy ang alam nila ay wala akong boyfriend.
Nobyo ko talaga siya noon pa, sasabihin ko pa.
Makalipas ang isang linggo ay nagpunta sa housing ko si Kuya Jeff. Gabi noon. Hindi naman bawal sa amin ang dalaw pero may curfew hanggang alas-diyes ng gabi.
Nagluto ako nang hapunan. Kumain kami. Habang kumakain ay wala siyang tigil sa pagkukuwento. Masayang-masaya siya. Wala na ang mga bakas ng sugat ng kahapon.
Ang sarap ng luto mo, sabi. Tataba sigurado ako rito gaya ng dati.
Payat nga siya dahil siguro sa problema. Ang matipunong katawan ay laglag.
"Hinahanap ko ang luto mo noong nasa Pinas ako. Nasanay ako sa luto mo.
Mabuti at hindi ka naghanap ng iba pagkatapos mamatay si Ate.
Bakit ako maghahanap e narito ka na nga.
Bola.
Pakasal na tayo gusto mo, sabi at tumingin nang tuwid sa akin.
Talaga? Maniwala ako.
Punta tayo sa embassy.
"Hindi na ba natin sasabihin sa mga bata? sa mga anak niya ang ibig kong sabihin.
Sinabi ko na. Alam na nila.
Hindi ako makapaniwala.
(Itutuloy)