(Ang ilang pangalan ng tao,lugar sa kuwentong ito ay sadyang binago ng awtor)
PATULOY si Kuya Jeff sa pagkukuwento sa nangyari kay Ate Cora.
"Marami ang na- kakita na bago raw mangyari ang pagtalon niya sa overpass ay naging bayolente muna ang ate mo. Lahat nang masalubong ay hinahabol. May binatukan at nambato pa. Pagkatapos ay nagtatatakbo na parang may kinatatakutan "
Umiiyak ako habang nakikinig kay Kuya Jeff. Alam ko marami ang nakatingin sa aking nurse sa pagkakataong iyon. Nasa mga mata nila ang pagtatanong kung ano ang nangyari.
"Sinisisi ko ang aking sarili kung bakit iniwan siya. Sanay hindi na lang ako umalis ng bahay ng araw na iyon. Sanay hindi na muna ako nagpunta sa Divisoria. Sanay hindi siya nakaalis ng bahay at nadala ko agad sa ospital nang sumpungin "
Nasa tinig ni Kuya Jeff ang pagsisisi. Gusto pang umiyak habang sinasabi iyon.
"Akala ko kasiy hindi na siya susumpungin. Iyon ang unang pagkakataon na bumalik ang sakit niya mula nang ilabas sa mental. Wala akong kaalam-alam na susumpungin."
"Nasaan ang bangkay niya Kuya Jeff?"
"Nasa punerarya."
"Ang mga bata kumusta?"
"Okey lang sila."
"Kailan ang balak mong libing niya?"
"Naguguluhan pa ako Jean " sabi nito at alam ko tumutulo na ang luha niya. Kahit hindi ko nakikita, alam ko bumigay na siya.
"Uuwi ako," sabi ko. "Bukas o sa makalawa nariyan na ako."
"Sige. Nahihirapan na nga akong magpasya, Jean."
"Huwag kang mag-alala."
"Isa pa, simot na rin ang naipon ko. Hindi ko alam kung saan ako kukuha ng ibabayad sa pagpapalibing sa kapatid mo. Matutulungan mo ba ako?"
"Kailan ba kita hindi tinulungan?"
Natahimik si Kuya Jeff. Alam ko, patuloy ang tahimik niyang pagluha. Hindi na niya sinagot ang tanong ko.
"Ako nang bahala, Kuya Jeff. Noon pa nga kita hinihintay na tumawag. Baka kailangan mo ng tulong "
"Nahihiya na kasi ako sayo "
"Ngayon ka pa nahiya.."
Saka sa pagkasabi kong iyon ay tila nagliwanag ang madilim na mukha ni Kuya Jeff. Naging maliwanag din ang kanyang boses.
(Itutuloy)