Laro sa putikan (137)
June 28, 2004 | 12:00am
MAHIRAP pero kailangang pag-aralan ang pag-iisa. Sabagay, dati na naman akong nag-iisa. Sa simula lang mahirap pero kapag tumagal na, masasanay na.
Sa pamamagitan ng pagbubuhos ng sarili sa aking trabaho ay mabilis akong naka-rekober sa mga nangyari sa buhay. Nakatulong din ang pagsali ko sa mga prayer group sa Riyadh. May mga dinadaluhan din akong mga kasayahan at parties. May mga nagpapahiwatig ng pag-ibig pero hindi ko binibigyan ng pagkakataon. Ayoko na. Sarado na ang puso ko. Para sa akin tama na ang mga nangyari. Para bang nagkaroon na ako ng takot na magmahal muli.
Para hindi ako kulitin ng mga lalaking nagpaparamdam sa akin ay sinasabi kong akoy isang dalagang ina. O kung minsan sinasabi kong akoy may malubhang sakit at ilang buwan na lang ang itatagal ng buhay. Pero kahit na ganoon pa kabigat ang aking dahilan ay marami pa rin ang nangungulit. Gusto raw talaga ako. Sasabihin pa na balewala sa kanila kung akoy isang dalagang ina o kung may kanser. Wala raw silang pakialam. Bastat mahal daw ako.
Iisa ang aking sagot: "Ayaw ko nang umibig at magmahal."
Dahil sa pagiging buhos ko sa trabaho, nataas ako ng posisyon at nadagda-gan pa ang aking suweldo. Nakaipon ako nang husto.
Mula naman nang magkahiwalay kami ni Kuya Jeff ay hindi na kami nagkaroon ng komunikasyon. Hindi nag-aatempt na tumawag para magbalita ng tungkol kay Ate. Siguroy sinasadya para hindi na muling manariwa pa ang aming kahapon. Ako naman ay tiniis din na huwag tumawag kahit na gustung-gusto kong alamin ang mga nangyayari sa kanila sa Pinas. Gusto ko ring malaman kung kailangan nila ng perang tulong. Naisip ko kasi, hanggang saan aabot ang separation pay na natanggap ni Kuya Jeff. Baka kinakapos na sila lalo at si Ate Cora ay patuloy na ginagamot.
Tiniis kong huwag nang magkaroon ng ugnayan. Naisip kong dapat nang mapatid ang kahapon at harapin ko naman ang para sa aking sarili. Nararapat ko namang bigyang pansin ang aking kinabukasan.
Makalipas ang isang taon, hindi ko inaasahan ang gagawing pagtawag ni Kuya Jeff. Sa ospital mismo siya tumawag. May masamang balita tungkol kay Ate!
(Itutuloy)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended