^

True Confessions

Laro sa putikan (88)

- Ronnie M. Halos -
SA totoo lang iyon ang pinaka-boring kong bakasyon sa Pilipinas. Inip na inip ako. Gusto kong hatakin agad ang mga araw para makabalik na sa Riyadh. Kung noon ay nagrereklamo ako dahil sa ikli ng bakasyon, ngayon ay kabaligtaran naman sapagkat inip na inip ako. Si Kuya Jeff ang iniisip ko. Nag-iisa siya sa tirahan ko. Sabi ko kasi sa kanya, huwag hahayaang walang tao sa kuwarto sapagkat nauuso na rin ang nakawan doon. Kailangan na sa gabi ay doon siya matulog. Magtiis muna siya habang wala ako.

Naramdaman ni Ate Cora ang tila pagkainip ko. Minsan kasi, nasabi kong gusto ko nang bumalik sa Riyadh.

"Bakit para yatang atat na atat kang bumalik sa Riyadh. Siguro may siyota ka na roon ano?"

Napamulagat ako. Hindi ko inaasahan ang ganoong tanong.

"May siyota ka na sigurong foreigner doon ano?"

"Naku wala pa Ate."

"Huwag kang kukuha ng Arabong siyota."

"Bakit?"

"Malalaki ang burat."

Napahagikgik ako.

"Ba’t mo nalaman?" tanong ko.

"Napanood ko sa VCD. Ang haba at ang lalaki pa ng burat ng mga Arabo."

Hindi ako makapaniwala na nanonood ng X-rated film si Ate.

"Amerikano na lang ang kunin mong siyota. Puwede kang madala sa Tate."

"Wala pa akong balak magsiyota Ate."

"Owws. Anong gagawin mo sa katawan mong iyan? Ang sexy mo pa naman. Malusog ang mga suso."

"Sa wala akong matipuhan doon e."

"Huwag kang kukuha ng katulad ng asawa kong bobo, guwapo nga e mahina naman sa delihensiya."

Inapi na naman niya ang asawa. Kawawa naman si Kuya Jeff. Kawawa naman.

Natapos ang bakasyon ko at sabik na sabik akong makarating sa Riyadh. Sabik na ako kay Kuya Jeff.

(Itutuloy)

AKO

AMERIKANO

ATE CORA

BAKIT

HUWAG

KAWAWA

KUYA JEFF

RIYADH

SI KUYA JEFF

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with