Laro sa Putikan (Ika-87 labas)
May 9, 2004 | 12:00am
Kasaysayan ni Jean,isang nurse sa Riyadh,Saudi Arabia
(Ang ilang pangalan ng tao,lugar sa kuwentong ito ay sadyang binago ng awtor)
NANG makarating kami sa bahay, napansin ko naman na walang nabiling kasangkapan si Ate. Kung ano ang mga kasangkapang naroon noong nabubuhay pa sina Papa at Mama, hindi na iyon nadagdagan pa. Walang pagbabago sa bahay. Sa paggi-gym lamang yata at sa damit ni Ate napunta ang ipinadadalang pera ni Kuya Jeff.
Ganoon man hindi ko na pinansin ang mga iyon. Baka sa pagpansin ko ay kung ano pa ang maging kahulugan sa kanya at kami pa ang mag-away. Hinayaan ko na lamang siya kung ano ang gusto niyang gawin sa bahay.
"Mataas ang bilihin ngayon dito. Sa Saudi ba hindi tumataas ang bilihin?" tanong niya sa akin nang yayain ko siyang mag-grocery sa SM kinabukasan.
"Mataas na rin doon Ate. Hindi katulad noon na ang 100 riyals ay sangkatutak ang mabibili."
"Paano ba ang sistema sa tirahan ng asawa kong bobo?" Sabi niya okey naman daw. Dalawa sila sa kuwarto at mayroon silang sariling messhall. Wala raw problema sa pagkain dahil kakain na lang kung kailan nila gusto."
"Sarap naman ng buhay niya samantalang kami rito ay halos mamroblema sa pagkain."
"Mahirap din ang kalagayan niya roon Ate. Naiisip mo lang dahil ikinukumpara mo sa akin na malaki ang suweldo at tuwing ika-anim na buwan ay nakauuwi. Ang ibang OFWs sa Saudi ay grabeng hirap ang dinaranas at kung minsan ay atrasado pa ang suweldo."
"Pero ang asawa ko hindi naman ganoon nasisiguro ko. E di sanay umangal na iyon. Katulad noong nasa barko. Nakipagsuntukan kaya ayon pinauwi. Kapag sa Saudi siya pumalpak, hihiwalayan ko siya ka- pag nawalan ng trabaho. Kayang-kaya ko siyang palitan."
Hindi ako nagsalita. Ano ba ang nasa isipan ng kapatid ko?
"Kailan daw ba uuwi ang gagong iyon?"
"Hindi ko alam Ate."
"Magdadalawang taon na siya roon."
"Itatanong ko kapag bumalik ako sa Saudi."
"Ngayon kung wala rin siyang madadalang pera sa bakasyon niya, huwag na lang siyang umuwi."
Kung alam lamang ni Ate na talagang ayaw nang umuwi ni Kuya Jeff. Mas lalo pa ngayon na lalo pang naging grabe ang pagkagahaman ni Ate sa pera. Malabo na siguro talaga. At lalo pa nga na naibibigay ko sa kanya ang lahat ng pagkuku-lang ng kapatid. Pag-aasikaso at pagmamahal at ang pangangailangang sekswal. (Itutuloy)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended