Laro sa Putikan (Ika-85 labas)
May 7, 2004 | 12:00am
Kasaysayan ni Jean,isang nurse sa Riyadh,Saudi Arabia
(Ang ilang pangalan ng tao,lugar sa kuwentong ito ay sadyang binago ng awtor)
NANG bumaba ang sinasakyan kong Saudia sa NAIA ay nagsimula nang kumaba ang aking dibdib. Malakas ang tibok na para bang may nagbabadyang panganib sa paghaharap namin ni Ate. Hindi ko alam kung makatitingin ako sa kanya ng deretso ngayong may relasyon na kami ng kanyang asawa. Si Ate at ang dalawa kong pamangkin ang sasalubong sa akin. Kung ako lamang ang masusunod ayaw ko nang magpasalubong. Kakornihan sa akin na salubungin pa. Makadaragdag pa sa dami ng tao sa airport. Pero mapilit si Ate Cora. Katwiran ay maraming manloloko sa airport. Kung may sasalubong at least magdadalawang isip daw ang mga kawatan. May mga manloloko raw na taxi o FX driver. Marami pang sinabi si Ate para mapapayag akong sunduin nila sa NAIA.
Naghihintay na sila nang lumabas ako sa arrival area. Inihanda ko ang aking sarili sa paghaharap na iyon. Walang dapat malaman o mahalata sa akin si Ate. Ang paalala ni Kuya Jeff ang nasa aking isipan habang pababa at tulak ang cart na may bagahe. "Wala kang sasabihin o aaminin," naalala kong sabi ni Kuya Jeff. Kahit daw anong mangyari dapat na walang malaman ang kapatid ko. Muling sumalakay ang kaba sa akin nang may ilang hakbang na lamang ang layo ko sa kanila.
"Kanina pa kami rito," sabi ni Ate at hinalikan ako sa pisngi. Nagmano sa akin ang dalawa kong pamangkin.
"Delayed ang flight ko."
"Ang dami mong pasalubong ah," sabi ni Ate.
Napansin ko magandang-maganda si Ate Cora. Tipong sa isang naggi-gym ang katawan. Kaiba sa hubog ng katawan noon na medyo tabain.
"May padala si Kuya Jeff," sabi ko at iniwasang tumingin sa kanyang mga mata.
"Ano chocolate na naman na pampataba? Pera ang kailangan ko. Magkano ang padala niya? Magkano?"
"Hindi ko nakita nakalagay sa sobre," sagot ko.
Pera na agad ang tanong nito kaysa kumustahin ang kalagayan ng asawa. Kawawa talaga si Kuya Jeff. Kawawa ang mahal ko.
(Itutuloy)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended