^

True Confessions

Laro sa Putikan (Ika-84 labas)

- Ronnie M. Halos -
Kasaysayan ni Jean,isang nurse sa Riyadh,Saudi Arabia

(Ang ilang pangalan ng tao,lugar sa kuwentong ito ay sadyang binago ng awtor)


PARANG tunay na mag-asawa na kami ni Kuya Jeff. Masaya siya at ganoon din ako.

"Kung puwede kitang pakasalan gagawin ko yon," sabi niya isang gabi matapos kaming mag-sex. Nakasapo ang kamay niya sa boobs ko at nilalaru-laro.

"Huwag mo nang isipin iyon. Basta sa ngayon, tayo ang magkasama at maligaya."

"Sana nga ikaw na lang ang napakasalan ko no?"

Inulit na naman niya ang sinabi noon. Sinabi niya iyon noong nagkasakit siya at ako ang nag-alaga.

"Sana ako ang niligawan mo at hindi ang ate ko."

"Nene ka pa naman nun di ba? Nag-aaral ka pa."

"Masyado ka kasing atat sa pag-aasawa. Binuntis mo agad ang kapatid ko."

Hindi nagsalita. Hinimas ang boobs ko. Dumako sa may puson ko at pumaibaba. Dinama ang "hiyas". Tinampal ko ang kamay. Inalis bigla. Hinalikan ako sa labi. Walang pagkasawa.

"Problema ko ngayon kung paano haharap kay Ate. Baka hindi ako makatingin nang harapan sa kanya."

"Kailan ka ba uuwi para magbakasyon?" tanong na parang nabahala.

"Sa isang buwan na. Di ako puwedeng hindi magbakasyon. Kailangan sabi ng personnel namin."

"Basta wala kang aaminin at wala kang sasabihin sa atin."

"Ikaw, paano sa pagbabakasyon mo? Malapit ka nang magdalawang taon dito," tanong ko at yumakap sa kanya.

"Hindi ako magbabakasyon. Puwede naman ’yon sa kompanya namin."

"Anong sasabihin mong dahilan kay Ate at ayaw mong umuwi?"

"Nagtatrabaho. Naghahanap ng pera para sa kanya. Di ba iyon lang naman ang mahalaga sa kanya."

Hindi na ako nakapagsalita.

Nang dumating ang pagbabakasyon ko. Hindi ko maiwasang makadama ng takot sa paghaharap namin ng kapatid ko. Wala siyang kamalay-malay na ang pag-aari niya ay pag-aari ko na rin.

vuukle comment

AKO

ANONG

BINUNTIS

DINAMA

DUMAKO

KUYA JEFF

SANA

SAUDI ARABIA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with