Laro sa putikan (81)

"TULUNGAN mo ngang ihanap ng masa-sideline yang bayaw mo, Jean. Walang pagsisikap!" Sabing mariin ni Ate Cora. "Ang akala yata yung pinadadala niya sa amin ay ayos na ayos na. Baka hindi niya alam na tumaas na ang mga bilihin dito."

Kung hindi ako gagawa ng paraan ay hindi mapipigil si Ate sa paninisi kay Kuya Jeff.

"Ako na lang ang magpapadala ng pera sa iyo. Magkano ba ang kailangan mo Ate?" Hindi sumagot pero alam ko, nakangiti siya nang marinig na magpapadala ako.

"Magkano ba ang ipadadala?" ulit ko.

"Mga 300 dollars... kasi’y malaki ang tuition ng pamangkin mo..."

Natatandaan ko, iyon din ang dahilan niya nang minsang tumawag. Walang katapusang tuition ang reklamo.

"Kailan mo ipadadala Jean?"

"After two days nandiyan na. Door-to-door."

"Ay salamat kung ang bayaw mo ang aasahan ko walang mangyayari. Ihanap mo nga ng masa-sideline yan."

"Sige Ate," sagot ko para matapos na ang katatalak.

"Medyo bantayan mo at baka nambabae yan diyan."

Hindi na ako sumagot. Ewan ko, pero gusto kong itanong kay Ate, sino ba ang dapat sisihin?

Nagpaalam na si Ate sa akin.

Huwebes ng hapon ay nasa bahay na si Kuya Jeff. Ikinuwento ko ang pagtawag ni Ate.

Pumakla ang mukha niya.

(Itutuloy)

Show comments