^

True Confessions

Laro sa Putikan (Ika-78 labas)

- Ronnie M. Halos -
Kasaysayan ni Jean,isang nurse sa Riyadh,Saudi Arabia

(Ang ilang pangalan ng tao,lugar sa kuwentong ito ay sadyang binago ng awtor)


 

KUMILOS ako para bumangon. Inalalayan ako ni Kuya Jeff. Inabot ko ang mga nahubad na damit na nakasabog sa sahig. Mas naunang nagbihis si Kuya Jeff. Tumayo ako at nagbihis. Pinanood ako ni Kuya Jeff habang isinusuot ang panty. Tumalikod ako sa kanya.

"Tayo rin pala dito sa Saudi ang magkakasama," sabi nito matapos kong maisuot ang panty.

"Paano tayo ngayon?"

"Magsasama na nga tayo."

"Dito ka na uuwi?" ang boses ko’y may pangamba.

"Kung puwede rito e di mas maganda para ako na ang maglalaba at magluluto."

"Paano ang trabaho mo?"

"Paglabas ko sa trabaho, dito na ang tuloy ko."

"Paano kung makahalata ang mga kasamahan mo na tayo pala ang …"

"Hindi."

"Yung mga sumundo sa iyo sa airport noon tiyak na matatandaan ako na hipag mo."

"Hindi ko naman kasama sa opisina ang mga iyon. Sa ibang department sila."

Hindi ako nakapagsalita. Umupo ako sa tabi niya. Inakbayan ako. Kinabig at hinalikan sa punong taynga.

"Gusto mo, sa labas na lamang tayo mangupahan?" tanong sa akin.

Bumitaw ako sa pagkakayakap niya. Tiningnan ko kung seryoso siya.

"Payag ka?" tanong sa akin.

Naguguluhan ako. Naisip ko na iyon kanina. Kung mangungupahan kami sa labas, hindi na ako matatakot na baka matsismis kami sa ospital. Problema ko na baka matiyempuhan si Kuya Jeff ng mga kasamahan kong tsismosa. Lalo pa ang dati kong kaibigan na si Remy. Tiyak na madidiskubre ang aming relasyon ni Kuya Jeff.

"Pag-isipan ko muna," sabi ko. Kinagabihan, muli kaming "nagsalo" ni Kuya Jeff. Sa pagkakataong iyon ay sa kuwarto ko na. Wala na akong tinagong hiya sa kanya.

(Itutuloy)

vuukle comment

AKO

BUMITAW

DITO

INABOT

INAKBAYAN

INALALAYAN

KUYA JEFF

PAANO

SAUDI ARABIA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with