Laro sa Putikan (Ika-73 labas)
April 25, 2004 | 12:00am
Kasaysayan ni Jean,isang nurse sa Riyadh,Saudi Arabia
(Ang ilang pangalan ng tao,lugar sa kuwentong ito ay sadyang binago ng awtor)
HABANG naka-duty sa ospital ay si Kuya Jeff ang nasa isipan ko. Ang mga sinabi niya sa akin kanina ay hindi ko malimutan. Sana ikaw na ang ka-sama ko sa habambuhay. Mabait ka, maalalahanin, malambing. Ikaw ang gusto ko "
At dahil doon para akong nakalimot sa sarili. Ano ba itong nangyayari sa akin? Parang tama. Parang mali. Naguguluhan ako.
Muntik ko pang malimutang tawagan si Abdul Aziz Al-Mushawa, ang tenyenteng sundalo para sabihin na maridh (maysakit) si Kuya Jeff at hindi makakapasok sa trabaho. Pakisabi sa personnel nila.
"Mafi muskila, momarredha," sabi niya. Wala raw problema. "Bastah ikaw, nanginginig pa. Mahal kitah e "
"Gago," At nagtawa ako.
"Whats gagoh Jean,"
"Meaning, guwapo," tumawa ako.
"Salahmat. Gandah mo talagah."
Siya na raw ang bahala sa personnel na magsabing maysakit si Kuya Jeff. Kahit daw five days ay okey. Mayroon namang sick leave ang mga expats.
Dakong alas-dos nang mag-off ako. Ewan ko ba kung bakit sabik na sabik akong umuwi ng housing namin. Naalala ko si Kuya Jeff na baka nakalimu-tang inumin ang gamot. Baka nakatulog at pinagpawisan na naman ang likod. Ano ba ang nangyayari sa akin at labis ang aking pag-aalala? Parang tama at parang mali.
Inabutan kong naglilinis si Kuya Jeff. Inalis ang mga abubot sa cabinet. Ang mga lumang diyaryo ay inalis doon.
"Bakit nagtrabaho ka na naman? Baka umulit na naman ang sakit mo," sabi ko.
"Nakakainip e. Okey na naman ako."
"Tapos akong pahihirapan mo "
"Hindi na."
Tinanong ako kung kakain na.
"Bakit nagluto ka?" tanong ko.
"Oo."
"Nagluto ako ng chopsuey yung paborito mo. Nagprito ako ng tuyo."
"Kumain ka na?" tanong ko.
"Hindi pa. Hinihintay ko nga ikaw."
"Sus bat di ka pa kumain?"
"Mahirap kumain nang nag-iisa."
"Etching!"
"Halika kumain na tayo."
Kumuha ng pinggan.
Habang kumakain, ibinalita kong si Abdul Aziz na ang bahala sa personnel.
Hanggang sa tumunog ang telepono. Ako ang tumayo para sumagot.
Si Ate ang nasa kabilang linya!
(Itutuloy)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
January 21, 2025 - 12:00am