Laro sa Putikan (Ika-69 labas)
April 21, 2004 | 12:00am
Kasaysayan ni Jean,isang nurse sa Riyadh,Saudi Arabia
(Ang ilang pangalan ng tao,lugar sa kuwentong ito ay sadyang binago ng awtor)
"HALIKA na. Masarap ang mainit na sabaw para manauli ang lakas mo," yaya ko kay Kuya Jeff nang lumabas sa comfort room.
Lumapit at umupo siya sa silya.
Inabot ko ang pinggan at nilagyan ng kanin. Kumuha ako ng tasa para lalagyan ng sabaw.
"Higupin mo ito," iniusod ko ang tasa.
Ginawa niya. Kumutsara ng sabaw. Hinigop. Sunud-sunod.
"Masarap sa sikmura ng maysakit iyan," sabi ko.
"Nakakahiya sa iyo, Jean," Ang mga pagsisilbi ko ang kanyang tinutukoy.
"Wala yon."
"Ang tindi ng tumama sa akin. Halos wala akong maalala dahil sa tindi ng lagnat."
"Dumadaing ka nga."
"Ang sakit kasi ng ulo at katawan ko."
"May sipon ka kasi. Humigop ka pa ng sabaw. Okey din sa sipon ang sabaw na may luya."
Humigop uli.
"Kumain ka na. Damihan mo ang kain para mabawi ang lakas."
Nagsimulang kumain.
"Gusto mo may sawsawang patis na may kalamansi? Para magkaroon ng lasa," tanong ko.
"Sige."
Kumuha ako ng patis at naglagay sa platito. Pinigaan ko ng kalamansi.
Ginanahan sa pagkain si Kuya Jeff.
"Ikaw kumain ka na rin," sabi nang pinanood ko.
"Mamaya na."
Nagpatuloy sa pagkain si Kuya Jeff. Napansin ko, tama lang ang suot na t-shirt pero medyo sikip ang padyama. Naalala ko nang isuot ang padyama at nasagi ang "ahas na tulog" kanina. Binawi ko ang pag-iisip doon.
"Gusto mo tumawag ako kay Ate Cora para sabihing may sakit ka?"
"Huwag na. Huwag na!"
Mahigpit ang pagtutol niya,
"Bakit?"
"Basta."
(Itutuloy)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended