Laro sa Putikan (Ika-68 labas)
April 20, 2004 | 12:00am
Kasaysayan ni Jean,isang nurse sa Riyadh,Saudi Arabia
(Ang ilang pangalan ng tao,lugar sa kuwentong ito ay sadyang binago ng awtor)
NATAMBAD ang "itinatago" ni Kuya Jeff. Parang ahas na tulog at tila may sakit ang hitsura. Hindi maaaring makatuklaw. Pero wala akong malisya. Sanay na ako roon. May nakita na akong ganoon sa Al-Khobar. Malaki rin.
Basa ang brief ni Kuya Jeff. Minadali ko ang pagpunas sa bahagi pang hindi nahaguran. Pero hindi ko na ginawa pang haguran ang "ahas na natutulog". Baka magising. Tulog na tulog pa si Kuya Jeff habang ginagawa ko ang pagpunas sa ibabang bahagi.
Pagkatapos kong mapunasan ay mabilis kong tinungo ang kabinet ng damit at kumuha ng padyamang luma. Pumili ako nang maluwang. Ang padyamang luma ay dala ko pa mula sa Pilipinas.
Isinuot ko iyon kay Kuya Jeff. Dahil malaking lalaki, bahagyang sikip ang padyama pero pinilit ko. Para lamang may maisuot siya, Hindi ko naman puwedeng hayaang nakabuyangyang at nakadispley ang "ahas".
Hindi naiwasang hindi masanggi ang "ahas" ng aking daliri sa pagpipilit na maisuot ang padyama. Pagkaraang maisuot ay kinumutan ko.
Saka lamang ako nakahinga nang maluwag.
Lumabas ako para labhan ang mga damit na hinubad kay Kuya Jeff. Wala siyang isusuot kapag umuwi.
Pagkaraang maglaba ay nagluto ako ng tinolang manok. May sabaw na ulam ang kailangan ng isang maysakit. Mahusay sa katawan.
Habang nagluluto, paminsan-minsan ay sinisilip ko si Kuya Jeff sa kuwarto.
Isang oras ang nakalipas ay wala na akong naririnig na daing o ungol sa kanya. Nilapitan ko at sinalat ang noo at leeg. Wala nang lagnat! Bumaba na. Salamat.
Eksaktong naluto ko na ang sinaing ay naramdaman kong bumangon si Kuya Jeff. Hanggang sa makita kong nakatayo na sa may pinto.
"Magaling ka na?"
Tumango.
Pumunta sa direksiyon ng comfort room. Saka nakarinig ako ng lagaslas. Dyuminggel Parang nagbukas ng gripo.
Naghanda ako nang makakain niya.
Nang lumabas ay niyaya kong kumain.
(Itutuloy)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended