(Ang ilang pangalan ng tao,lugar sa kuwentong ito ay sadyang binago ng awtor)
HINDI ko na pinilit si Kuya Jeff kung bakit ayaw niyang tawagan si Ate Cora. Naisip ko, baka lalo lamang sumakit ang ka- looban nito. Mayroong nahohomsik kapag nakakausap ang mahal sa buhay. Mas mabuti pa raw na huwag nang mag-usap hanggang sa makapag-adjust sa Saudi. Pero naisip ko, matagal na siyang nagbabarko kaya alam na niya ang sitwasyon nang pagkakalayo sa isat isa. Alam na niya kung paano labanan ang kahomsikan at isiping sa barko pa siya dati nagtatrabaho na ayon sa kanyay buwan ang binibilang sa laot bago makarating sa pier.
Kinagabihan, tumawag ako kay Ate Cora. Ako na lang ang magbabalita sa mga nangyari sa kanyang asawa.
"Hindi ba tatanga-tanga nang sunduin mo sa airport?" tanong ni Ate na tila wala na yatang paggalang sa asawa.
"Hindi naman," sagot ko. "Nanibago lang sa inugali ng Immigration police dahil kinumpiska ang dalang diyaryo. May bold kasi sa cover."
"Sabi ko nang huwag magdala ng diyaryo matigas kasi ang ulo."
"Para sa akin daw iyon."
"E yung mangga binigay sa iyo? At saka mga polboron?"
"Ayos naman. Salamat Ate."
"Kumusta ang tirahan at trabaho niya?"
Sinabi kong walang problema. Maganda ang tirahan.
"Sabi ko nga siya ang tumawag sa iyo para siya na ang magkuwento, e ayaw niya."
"Ganyan naman yan."
"Naiisip ko baka mahohomsik kapag nakausap ka."
"Ewan ko ba diyan."
"Nahohomsik ka Ate no?"
"Oo," sabing mahina. "Wala nang ka-dyugyugan kagabi nga hirap na hirap na ako " saka nagtawa. Pero makaraan iyon ay bumuwelta. "Wala kayang kasamang babae sa trabaho o maski sa tirahan?"
"Wala raw. Puro lalaki sila."
"Tingnan mong mabuti ang bayaw mo ha. Di ba uso diyan ang pagkakabit-kabit. Kahit me asawa na, kakabit sa iba pa. "
Hindi ako makapagsalita.
(Itutuloy)