Laro sa putikan (48)
March 29, 2004 | 12:00am
NATAMEME si Ate Cora sa tanong ko. Biglang nagbaba ng boses.
"Inaalala ko kasi na baka mahirapan si Kuya Jeff mo kaya gusto ko sana sa ospital. Alam mo naman mahina ang kukote niyan."
"Lagi mo na lamang pinipintasan ang asawa mo. Kaya siguro hindi tumatagal sa trabaho dahil pessimistic ka. Lahat ng masamang kalalabasan ang inisip mo."
Natahimik na naman.
"Teka, gusto ba ni Kuya Jeff na magtrabaho rito Ate. Baka naman ikaw lang ang nagpupumilit na makapag-abroad siya dahil nasugatan na ang pride mo sa pagkakasibak niya sa barko."
"Gusto niya. Maganda nga raw kung landbase at mas ligtas. Sa barko, kung minsan ay ilang buwan sila sa laot. Walang makitang pier. Nakakainip daw."
"Dito hindi siya maiinip. Maraming pasyalan dito. Lalo pa sa Batha na parang Pilipinas na rin ang dating. Ang mga restaurant ay pawang pagkaing Pinoy ang iniluluto."
"Ikaw na ang magbantay kay Jeff at baka nga mambabae yan."
"Kung anu-anong iniisip mo. Bukas na bukas din pag-aplayin mo para lumakad na ang papel. Iyan ang bilin sa akin ni Abdul Aziz na kaibigan ko."
"Baka naman nobyo mo ang Abdul Aziz na iyan ha?"
"Hindi."
"Wala ka pa bang nobyo ngayon?"
"Wala. Nadala na yata ako dahil sa ginawa sa akin ni Kiko."
"Ay oo nga pala. Piliin mong mabuti ang manliligaw sa iyo."
Doon natapos ang usapan namin ni Ate Cora.
Sumunod na linggo ay ibinalita ni Ate na nakapag-apply na si Kuya Jeff sa agency sa may Bagtikan St. Makati.
Sumunod pang linggo, magpapa-medical na raw.
(Itutuloy)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
January 10, 2025 - 12:00am