Laro sa Putikan (Ika-45 labas)
March 26, 2004 | 12:00am
Kasaysayan ni Jean,isang nurse sa Riyadh,Saudi Arabia
(Ang ilang pangalan ng tao,lugar sa kuwentong ito ay sadyang binago ng awtor)
"HINDI ganoon kadali ang makapagpasok ng trabaho lalo at sa Saudi Ate," sabi ko. "Mahigpit na ngayon, talagang binubulatlat kung may natapos ang aplikante."
Natahimik si Ate. Naalala marahil na hindi nakatapos ng pag-aaral si Kuya Jeff.
"Kahit janitor, kailangan pa kaya ang diploma?"
"Merong mahigpit na ahensiya at hinahanapan ng natapos na kurso o kahit na vocational course man lang."
"Kung ipagpagawa ko kaya ng diploma sa St. Recto University si Jeff?"
"Anong St. Recto University?"
"Yung mga gumagawa ng pekeng diploma sa Recto Avenue sa tapat ng Isetann."
"Delikado yun Ate, baka mabuking e lalong mapasama."
"Tatamad-tama kasi itong si Jeff sa pag-aaral. Kung tinuloy ang pag-aaral niya ng nautical e di sana ay tapos na siya. Pag hindi ka naman nabanas! Tapos ngayon ay ako ang namumroblema. Mahinang lalaki talaga."
Nagsimula na namang magtatalak ni Ate at binuntunan na naman ng sisi ang asawa.
"Magkaasawa ka naman ng bobo at walang bayag!" sabi pa at ang kasunod ay ang paghikbi at hanggang sa umiyak na.
Pinayapa ko. Pinangakuan para mawala ang inis.
"Sige, huwag ka nang mag-hysteria at titingnan ko anong magagawa ko kay Kuya Jeff," sabi ko.
Matapos makipag-usap kay Ate ay namroblema na ako kung paano matutulungan si Kuya Jeff na maihanap ng trabaho sa Riyadh. Hindi basta-basta ang problema.
Pero sinusuwerte yata si Kuya Jeff sapagkat madali akong nakahanap ng kanyang magiging trabaho. Dahil iyon sa impluwen-siya. Isang Saudi na miyembro ng Royal Navy ang naging kaibigan ko. Naging pasyente sa ospital ang Saudi na nagngangalang Abdul Aziz Al-Mushawa. Isang edukadong Saudi na may ranggong tenyente sa Navy.
"Anajdah, Abdul aziz." (Tulungan mo ako)
"Maza tahtaj?" (Anong kailangan mo?)
Sinabi kong may kailangan ng trabaho at kailangan ng tulong niya para makapasok.
"Mafu muskila, Filibin kuwais." (Wala raw problema)
Masayang-masaya ako sa sinabi ni Abdul Aziz.
(Itutuloy)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended