^

True Confessions

Laro sa Putikan (Ika-30 labas)

- Ronnie M. Halos -
Kasaysayan ni Jean,isang nurse sa Riyadh,Saudi Arabia

(Ang ilang pangalan ng tao,lugar sa kuwentong ito ay sadyang binago ng awtor)


IKALAWANG siyota ko si Kiko. Ang una nga ay ang dati kong kaklase sa college na isang lalaking lalamya-lamya kung kumilos. Inaamin kong minahal ko ang una kong siyota. Isang linggo makaraan kaming magkawalaan ay napaiyak ako. Nasanay kasi ako noon na lagi kaming magkasama, isa ring nursing student ang siyota ko. Kahit paano, may naiwan ding alaala ang pagbobolahan. Siguro’y may asawa na ang kumag na iyon. Huling balita ko ay nasa Canada na. In-demand kasi ang nurse roon. Inaamin ko hindi naman gaanong naka-iskor ang siyota ko. Hawak-hawak lang sa kamay, kaunting danggil sa boobs ko. Ganoon lang. Lips to lips ang grabe. Unang halik ko ang lalaking iyon. Hindi ko gaano maramdaman ang sarap.

Si Kiko, ewan ko, pero hindi ako sigurado sa pakikipagrelasyon sa kanya. Gusto ko lang na masabing may siyota. Kung kaya ng ibang kasamahan ko na magsiyota kahit pangit sila, mas kaya ko dahil, may ipagyayabang din naman akong ganda. Para lang masabing may siyota kaya ko sinagot si Kiko.

May itinatagong hangin sa katawan si Kiko. Kung titingnan ay di mayabang pero kapag nagsalita na, parang electric fan sa lakas ng hangin. Pero kayang-kaya kong sanggahin ang hangin niya sa katawan. Tumutupi rin ang pakpak niya.

Normal sa magsiyota ang maghalikan. Ano ba naman iyong halikan? Masarap humalik si Kiko. Pero ang kasunod ng halik na iyon ay ang paggapang ng kamay ng kumag. Minsan kasing naglakas-loob pumasok sa kuwarto ko si Kiko. Nalusutan ang tangang guwardiya sa ibaba.

Gulat na gulat ako kung paano nakapasok.

"Baka may nakakita sa iyo?"

"Wala."

"Ba’t ka nagpunta rito?"

"Gusto kitang makita,"

"Naku ha?"

"Noong isang araw hindi tayo nagkita di ba?"

"Nag-usap naman tayo sa phone di ba?"

"Gusto ko makita ka."

"Pagnahuli tayo rito Kiko tiyak makukulong tayo."

"Okey lang kung magkasama naman tayo sa bilangguan."

"Tarantado!"

(Itutuloy)

ANO

GANOON

GULAT

HAWAK

INAAMIN

KIKO

PERO

SAUDI ARABIA

SI KIKO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with