^

True Confessions

Laro sa Putikan (Ika-24 labas)

- Ronnie M. Halos -
Kasaysayan ni Jean,isang nurse sa Riyadh,Saudi Arabia

(Ang ilang pangalan ng tao,lugar sa kuwentong ito ay sadyang binago ng awtor)


MINSANG magbakasyon ako ay nagkasabay kami ni Kuya Jeff. Walang nagbago sa kanya. Kung hindi kausapin ay hindi magsasalita. Kung hindi ko pa tinanong kung ano ang lagay niya sa barko ay hindi magsasalita. Minsan kasi nabanggit ni Ate na hindi na taga-tiktik ng kalawang sa barko si Kuya Jeff. Assistant cook na pala ito at sa isang oil tanker na nakasakay.

"Mahirap bang trabaho ang cook Kuya Jeff?"

"Medyo mahirap din."

"Paanong mahirap?"

"Ako na rin kasi ang pumapapel na talagang cook at ang talagang cook ay pamandu-mando lang. Malaki ang suweldo niya at sa akin ay maliit."

"Ba’t di ka magreklamo sa management n’yo?"

"Naku baka masibak ako."

"E di habang panahon kang utusan ng cook gayong yung trabaho niya e ginagawa mo."

"Okey lang para walang gulo. Mahirap humanap ng trabaho kapag nakipag-away ako at mapatalsik..."

"E di maghanap ng iba. Tulad ko nang medyo sinasalbahe ako sa Khobar ng maniac na doctor, nag-apply ako sa Riyadh."

"Sa iyo madali e sa akin, wala akong natapos."

"Kahit na. May experience ka na."

"Tiyak magagalit ang ate mo kapag nawalan ako ng trabaho. Takot ako sa ate mo."

Ander nga si Kuya Jeff. Masyado kasing mabait.

(Itutuloy)

AKO

ANDER

ITUTULOY

KAHIT

KASAYSAYAN

KUYA JEFF

MAHIRAP

RIYADH

SAUDI ARABIA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with