Laro sa putikan (Ika-9 na labas)

(Kasaysayan ni Jean,isang nurse sa Riyadh,Saudi Arabia.Ang ilang pangalan ng tao at lugar sa kuwentong ito ay sadyang binago ng awtor).

MASYADO raw malungkot sa Riyadh at hinahanap din daw naman niya iyon sabi ni Remy.

Pero kahit na ano pa ang sabihin ni Remy, para sa akin malaking kasalanan ang ginawa niya. Para malunasan ang kalungkutan ay "nakipaglaro" sa ibang lalaki na siguro ay may asawa rin sa Pilipinas. Tiyak kong ganoon ang kalagayan. Pareho silang may "iniiputan sa ulo".

Natatandaan ko ang sabi ni Ate Cora bago ako umalis patungong Riyadh, mag-ingat daw ako sa mga lalaki.

"Maganda ka kaya siguradong maraming manliligaw sa iyo. Sexy at malalaki ang boobs, tiyak marami ang magnanasa sa iyo."

"Marunong na akong makipaglaro Ate. Hindi na mauulit yung nangyari sa Al-Khobar na lantaran kung magpakita ng pagnanasa ang may-aring doktor."

"Kapag mayroon kang nararamdamang hindi maganda sa iyong trabaho sa Riyadh, umuwi ka kaagad. Hindi ka naman magugutom dito kahit wala kang trabaho," sabi ni Ate na masyadong apektado sa nangyari sa akin sa Khobar. "Dito ka na lang sa Pilipinas. Magkasama pa tayo."

"Gusto mo akong buruhin dito. Hindi ko type na nakatigil sa bahay Ate."

"Hindi ka naman titigil. Maaari kang mag-apply sa mga ospital dito."

"Maliit ang kita rito Ate tapos patay pa ang katawan sa trabaho."

"Bakit sa Saudi ba hindi patay ang katawan sa trabaho?"

"Patay din ang katawan pero sulit dahil malaki ang suweldo roon. Yung isang taong kikitain dito e ilang buwan lang doon."

"Sabi sa Riyadh daw masama ang reputasyon ng nurse. Yun daw iba suma-sideline para kumita. Parang nagpo-pokpok. Totoo kaya ’yon, Jean?"

"Ewan ko Ate. Yung iba naman kasi masyadong eksaherado kung magkuwento. Parang nilalahat na ang mga nurse sa Saudi. Sa palagay ko hindi totoo."

"Basta ikaw mag-ingat. Mapang-akit ang beauty mo, baka may mas masahol pang Arabo roon e madisgrasya ka. Baka doon mawarat ’yang ano mo," sabi at bahagyang humagikgik.

"Magugulat siguro si Kuya Jef kapag nalamang nasa Riyadh na ako ano, Ate?"

"Oo. Madalas ka ngang itanong sa sulat."

Si Kuya Jeff ang asawa ni Ate Cora. Isang seaman. Matagal-tagal na ring nasa barko.

(Itutuloy)

Show comments