Laro sa Putikan (Ika-2 labas)

(Kasaysayan ni Jean,isang nurse sa ngalan ng tao at lugar sa kuwentong ito ay sadyang binago ng awtor).

DUMATING ako sa Riyadh noong February 1991. Halos katatapos lamang ng unang giyera sa Gulfo kung saan kinubkob ni Saddam Hussein ang Kuwait. Maraming Pinay nurse ang nagsiuwi noong 1991 na kasagsagan ng giyera at naging dahilan para magkaroon ng shortage sa nurse sa mga government hospital.

Kaya wala akong kahirap-hirap na natanggap sa malaking ospital na iyon sa Riyadh. Isa rin sa mga naging dahilan para matanggap agad ako ay dahil sa experience ko sa isang clinic sa Al-Khobar. Nakakaintindi na rin ng kaunting Arabik at sanay na ring makihalubilo sa mga Saudi.

"Baka may magtangka na naman sa iyo sa Riyadh, Jean," sabi ni Ate Cora may tatlong araw bago ako umalis.

"Kaya ko nang lumaban Ate Cora. Marunong na akong makipaglaro sa mga maniac," sabi ko.

"Masyado kasing malakas ang sex appeal mo. Ang laki-laki kasi ng suso mo. Masyadong pansinin."

"Kasalanan ko bang maging sexy," sabi ko at saka tumawa.

"Kailan ka ba mag-aasawa?"

"Kung kailan may matipuhan. Ngayon wala pa."

"Di ba may boyfriend ka? Yung dati mong kaklase sa unibersidad."

"Wala na iyon. Masyadong tahimik. Guwapo nga pero malamya."

"Baka bakla?"

"Ewan."

"Basta mag-ingat ka sa Riyadh," sabi pa ni Ate.

Dalawa lang kaming magkapatid ni Ate Cora. Magkasunod na namatay sina Papa at Mama noong 1989, nasa college pa ako noon. Mula noon ay si Ate na ang naging parang magulang ko. Sa lumang bahay namin kami nakatira. Balak nga nina Ate na magsarili na pero mahigpit na sinabi ng aking mga magulang na sa aming bahay na tumira. Malaki kasi ang aming bahay. Lima ang kuwarto. Sinaunang yari. Mga antique ang kasangkapan. Mula nang mamatay sina Papa at Mama ay naging kakalug-kalog kami.

Dalawa lang ang anak ni Ate at maliliit pa. Ang asawa naman ni Ate na si Kuya Jef ay isang seaman. Matagal na rin itong nasa barko. Tuwing ika-siyam na buwan ang baba ng barko.

"Lalo na kaming kakalug-kalog ngayong paalis ka na."

"Kailan ba uli ang baba ni Kuya Jef, Ate?"

"Anim na buwan pa mula ngayon."

Nang umalis ako ay mahigpit pa rin ang bilin ni Ate sa akin. Mag-ingat daw ako sa Riyadh.

"Mag-iingat ako Ate. Lalo na sa lalaki."

(Itutuloy)

Show comments