MASKI ang pagkakagulo ng mga vendors sa Divisoria na dahilan ng buhol-buhol na trapik ay nasolusyunan din ni Jamias. Mahigpit niyang ipinairal ang kanyang sistema na may kinalaman sa traffic management.
Isa rin sa mga hindi niya malilimutan noong siya pa ang hepe ng traffic ay ang magulong Liwasang Bonifacio kung saan ay laganap ang tong collection sa mga sasakyang naka-parking doon na karamihan ay bumibiyahe sa Cavite. Marami ring mga bus doon na nakahimpil.
Malaki ang naging bahagi ni Jamias sa lugar na iyon sapagkat nadurog ang tong collection activities sa nasabing lugar. Naalala pa ni Jamias na nagkaroon ng patayan sa lugar na iyon. Napatay ang isang barangay chairwoman dahil lamang sa tong collection. Mabigat ang problema pero dahil sa tibay ng determinasyon ni Jamias, nawala ang masamang gawain doon at naresolba pa ang nangyaring patayan.
Nagkaroon ng kaayu-san at ngayon ang Liwasang Bonifacio ay isa nang magandang lugar na bahagi ng proyekto ni Manila Mayor Lito Atienza na pagbuhay sa Maynila.
Malaki rin ang naging papel niya sa pagpapagaan ng trapik sa Roxas Boulevard. Ang mga cargo truck na datiy bumabagtas sa Roxas Boulevard ay nailipat niya sa ibang ruta at naiwasan ang pagbubuhol sa pinaka-abalang kalsada sa Maynila.
Nang malipat siya sa Station 5 kung saan ay sumasakop sa tourist belt area, naipamalas muli ni Jamias ang kanyang kakayahan para maging ligtas at walang kaguluhang magaganap. Protektahan ang mga dayuhan at siyempre pati ang mamamayan.
Para kay Jamias lahat ng problema ay may solusyon. Lahat ay may paraan kung gugustuhin ng bawat isa o ng isang pinuno na magkaroon ng pagbabago.
(Itutuloy)