Jamias (Ika-94 labas)
February 3, 2004 | 12:00am
(Tunay na kasaysayan ni Police Supt. Elmer Mejorada Jamias, WPD Station 5 Command)
MATAPOS daw makuha ni Nestor Cuares ang pera at ang retrato ni Bgy. Baseco chairwoman Teresita Lumactod ay lumakad na umano ito kasama ang isang lalaki.
Kinahapunan ng araw ding iyon ng January 24 dakong 5:30 habang abalang namumudmod ng gatas sa mga nasunugan sina Lumactod at ang Social worker na si Maria Eladia Gilbuena ay nakihalo nga ang dalawang lalaki sa karamihan ng mga tao.
Ayon sa mga nakasaksi, maiilap ang mga mata ng dalawang lalaki. Halatang may hinahanap.
Maya-maya pa ay nakarinig ng mga putok. Mabilis ang mga pangyayari. Nagkagulo na. Kanya-kayang cover ang ibang social worker at ang mga evacuess sa takot na tamaan ng bala.
Hanggang sa makita na lamang na nakabulagta na si Gilbuena. May tama ng bala sa batok.
Hindi naman agad nakakilos si Lumactod. Gimbal. Iyon na kaya ang matagal na niyang kinatatakutan? Bakit si Gilbuena ang binaril?
Mabilis na tumakas ang dalawang lalaki na kinabibilangan nga ni Cuares. Subalit hindi sila nakaligtas sa mga alertong tauhan ni Col. Jamias. Nakipagbarilan ang mga ito at tinamaan nga si Cuares sa hita. Umaringking sa sakit na hindi na makatakbo. Hanggang sa mapahandusay.
Ganoon na lamang ang pasasalamat ni Lumactod kay Jamias dahil sa maagap na pagdalo sa krimen at nahuli ang isa mga killer. Nakatakas naman ang kasama ni Cuares.
Ilang araw pa, isang lalaki ang dinampot ng mga pulis at itinurong utak sa pagpatay sa social worker. Sa kanya nanggaling ang P30,000 na ibinigay kay Cuares. Ang lalaki ay residente rin ng Baseco Compound. Ang suspect ay nakilalang si Jojie Umandak.
Sinabi ng gunman na si Cuares na si Umandak ang nagbigay sa kanya ng pera na gagamitin naman niyang pamasahe patungo sa kanilang bayan sa Maguindanao. Sumuko naman nang maayos si Umandak sa mga pulis.
Sinabi ni Cuares na nang magpunta sila sa Baseco compound napagkamalan niya ang social worker na si Gilbuena at ito ang kanyang binaril.
(Itutuloy)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended