JAMIAS

'Granada para sa mga humahabol' (79)

NANG mahawi ang usok dahil sa inihagis na granada, dalawa ang patay. Nagkalasug-lasog ang mga katawan. Ang iba pa ay nasugatan at mga nakahandusay. Pawang mga bystanders ang namatay at nasugatan. Ang lugar na pinangyarihan ng krimen ay ang kanto ng T. Mapua St at Recto Avenue.

Ayon kay Jamias nagpatuloy sa pagtakas ang grupo. Isa pang granada ang inihagis subalit hindi iyon pumutok.

Sinelyuhan nina Jamias ang lugar na maaring pagdaanan ng mga holdaper. Nakipagbarilan sina Jamias at kanyang mga tauhan. Ang resulta: dalawang holdaper ang napatay. Ang tatlo ay nakatakas dala ang perang naholdap.

Nakuha sa dalawang rebeldeng MNLF ang mga baril at isa pang granada na handa na ring ibato sana kung hindi naging maagap sina Jamias at mga kasama.

Sinabi ng mga naaresto na sila ay mga rebeldeng MNLF at may isang buwan nang nasa Maynila para magsagawa ng pambobomba. Ang ipinagtataka ni Jamias ay kung bakit luminya sa panghoholdap ang mga rebelde.

Isinugod din naman kaagad nina Jamias ang mga biktima ng pagsabog sa Philippine General Hospital at Jose Reyes Memorial Hospital. Ang dalawang namatay ay hindi na umabot sa ospital.

Lumung-lumo si Jamias sa mga nangyari. Ganoon man natuwa pa rin siya sapagkat walang nasugatan sa kanyang mga tauhan.

Mula noon lalo pang pinagbuti nina Jamias ang pagbabantay sa Sta. Cruz area at iba pang sakop niyang lugar. Pinaigting ang police visibility.

(Itutuloy)

Show comments