Jamias (Ika-68 labas)
January 8, 2004 | 12:00am
(Tunay na kasaysayan ni Police Supt. Elmer Mejorada Jamias, WPD Station 2 Command)
PERO may mga pagsubok na dumating sa buhay ni Jamias habang gumaganap sa tungkulin at iyon ay hindi niya sukat akalain. Akala niyay isang panaginip lamang ang lahat pero totoo pala. Ganoon man, tinanggap niya iyon at nalaman niya ang mga pagsubok na dumarating sa buhay ng tao ang nagpapatibay para lumaban sa iba pang mabibigat na pagsubok.
Na-relieve siya sa puwesto noong siya pa ang hepe ng Narcotics Unit ng Western Police District (WPD). Ang dahilan: Binaril niya ang isang drug pusher na tumatakas binaril niya na hindi muna nagbigay ng warning shot.
Tinanggal siya at inilipat bilang officer-in-charge ng Civil Disturbance Control (CDC) ng WPD. Inamin naman ni Jamias na nagkamali siya pero iyon ay nagawa niya dahil sa labis na pagmamahal sa tungkulin. Tumatakas ang suspect at wala siyang nagawa kundi barilin.
Ang drug pusher ayon kay Jamias ay may dalawang linggo na nilang minamanmanan. Masyadong madulas ang pusher na kilala na sa Malate, Maynila. Pusakal itong pusher na matagal na ring tinik sa lalamunan ni Jamias. Pero dahil sa masigasig si Jamias, natiyempuhan nila isang gabi.
Dakong alas-sais sa kanto ng Sandejas at Lachica Sts. sa Malate ay namataan nila ang dalawang lalaki na halatang nagkakabentahan ng shabu.
Lumapit sina Jamias. Subalit talagang madulas ang pusher.
"Parak!" sigaw nito at mabilis na kumaripas ng takbo ang pusher.
Pero mabilis si Jamias, hinabol ang pusher at nakorner. Subalit nang lalapitan na nila ay muling lumaban. Tumakbo muli. Para bang nag-ipon lang ng lakas.
Subalit mabilis din si Jamias at pinaputukan ang patakas na suspect. Sapol sa kanang hita. Huli na nang maisip ni Jamias na magbigay ng warning.
(Itutuloy)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended