^

True Confessions

Jamias (Ika-62 labas)

- Ronnie M. Halos -
(Tunay na kasaysayan ni Police Supt. Elmer Mejorada Jamias, WPD Station 2 Command)

HINDI pala karaniwang Japanese si Teramato Kuzunobu, naisip ni Jamias. Bukod sa isang university professor ay isa rin pala itong singer. Mahusay umawit si Teramato.

"I love to sing. In Japan, I sing," sabi ni Teramato sa putol-putol na Ingles. "After accident ago, cannot walk anymore. No more too much singing in front people."

Natuto raw siyang umawit mula nang maaksidente nine years ago. Mangha si Jamias.

"Paano ka umaawit Mr. Teramato?" tanong niya.

"Sa harap ng mga tao habang nasa wheelchair ako. Gusto kong masiyahan ang mga tao."

Ibig humanga ni Jamias. Ngayon lang siya naka-encoiunter ng isang taong sa kabila ng kapansanan ay gustong magpaligaya ng kapwa sa pamamagitan ng pagkanta. Bihira ang taong ganito.

"Gusto mo kumanta ako?" tanong nito kay Jamias.

"Sige."

Kumanta nga si Teramato. Buhos na buhos ang loob. Mahusay nga. Sa kabila na halos hindi makakilos sa kanyang electronic wheelchair ay naideliber nang madamdamin ang awit.

Nagpalakpakan sina Jamias at iba pang mga pulis sa Station 5.

"Gusto ko rito sa Philippines. Gusto kong kumanta rito pero inabandona ako ng aking mga kaibigan," sabi ni Teramato makaraang umawit.

Ibig mapahiya ni Jamias sapagkat ang mga itinuring ni Teramato na mga kaibigan ay mga Pinoy. Nang maubos ang pera ni Teramato ay inabandona na ito. Kaibigan lamang pala kapag may pera.

(Itutuloy)

ELMER MEJORADA JAMIAS

IBIG

IN JAPAN

JAMIAS

MAHUSAY

MR. TERAMATO

POLICE SUPT

TERAMATO

TERAMATO KUZUNOBU

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with