^

True Confessions

JAMIAS 'Walang atrasan' (44)

- Ronnie M. Halos -
GAMIT ang kakaibang estilo para magapi ang mga drug pushers, iyon din ang ginawa ni Jamias sa mga nilipatang stations. Baril sa kanang kamay at handy cam sa kaliwa. Estilong nagbunga para bumaba ang drug pushing sa nasasakupang lugar. Pinangilagan siya ng mga drug pushers.

"Ako si Jamias, naka-rekord sa handy cam na ito ang mga mukha ng pushers sa lugar na ito, habang may panahon pa, umalis na kayo rito!" Matigas ang kanyang babala. Walang atrasan sa paglaban sa droga.

Nagbunga ang mga iyon sapagkat nabawasan ang drug problem sa mga lugar na nasasakop ng Station 11.

Noong August 1, 2001, inilipat siya sa Station 5. Sakop ng station ang tourist area na gaya ng Ermita. May babaguhin na naman sa lugar, naisip ni Jamias. Napapangiti lamang siya.

Sa tourist area ay nagkalat ang mga masasamang loob na nambibiktima ng mga dayuhan. Sagabal sa layunin ng Department of Tourism na maakit ang mga dayuhan na magtungo rito sa bansa. At ang misyon ni Jamias: Protektahan hindi lamang ang mamamayang Pinoy kundi lalo na ang mga dayuhan laban sa mga masasamang loob. Rampant ang mga nangyayaring holdapan at krimen sa tourist area. Wala ring takot ang "Ativan Gang" sa pagsasamantala. Pero hindi umubra kay Jamias ang modus ng mga masasamang loob. Kung kaya nilang manlinlang, kaya rin naman ni Jamias na sila ay dakmain.

Makaraang pamunuan ang Station 5, naging District Director siya ng WDTEO na hinawakan niya mula October 2001 hanggang September 2002.

Pagkaraan niyon, inilipat siya sa Station 2 na ang nasasakop ay ang ilang lugar sa Tondo. At kapag sinabing Tondo, iisa ang sisilid sa isipan: Magulo.

(Itutuloy)

ATIVAN GANG

BARIL

DEPARTMENT OF TOURISM

DISTRICT DIRECTOR

ERMITA

ESTILONG

ITUTULOY

JAMIAS

NOONG AUGUST

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with