Jamias (Ika-43 labas)
December 14, 2003 | 12:00am
(Tunay na kasaysayan ni Police Supt. Elmer Mejorada Jamias, WPD Station 2 Command)
KUNG saang lugar may babaguhin ay doon inilalagay si Jamias. Maraming beses nang napatunayan iyan ni Jamias. Patunay lamang na may kumpiyansa sa kanyang kakayahan ang mga nakatataas. Kalabisang sabihin na hindi siya ang tipong "natutulog sa pansitan".
Palibhasay nakapagpakita ng kakaibang sigasig sa trabaho at mahusay na pagtupad sa tungkulin nang pamunuan ang Station 3 at nabasag ang public enemy number one ng Maynila na si Macmod, inilipat siya sa Station 11 noong July 6, 1999.
Sabi ng isa niyang tauhang pulis sa Station 3, "Ikaw sir ang inilalagay sa station na maraming sakit ng ulo. Wala yatang tiwala sa iba."
Ngumiti lamang si Jamias. Sa Station 11 ay lalo pang naipakita ni Jamias ang kanyang kakayahan. Kung ano ang ginawa niya sa mga station na pinanggalingan, ganoon din ang ginawa niya. Gumawa ng mga pagbabago. Nagsagawa ng kampanya laban sa kriminalidad. Ang relasyon sa mga sibilyan ay pinag-ibayo. (Itutuloy)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended