Jamias (Ika-40 labas)
December 11, 2003 | 12:00am
(Tunay na kasaysayan ni Police Supt. Elmer Mejorada Jamias, WPD Station 2 Command)
MAY operation sina Jamias nang sinundang gabi at sa Station 3 na naman siya natulog. Umaga na nang umuwi siya sa kanilang bahay. Nagtaka siya nang makitang walang tao sa kanilang bahay. Inusisa niya ang mga damit ng mag-ina sa cabinet. Walang laman. Alam na niya ang ibig sabihin niyon, umalis sina Goody kasama ang tatlong anak. Tiyak na nasa kanyang mga magulang na naman sa Pasay.
Mabilis niyang sinundan ang mag-iina. Hindi niya maaaring patagalin ang pagtatampo ni Goody.
Nang dumating sa bahay ng kanyang biyenan sa Pasay ay sinalubong siya ng kanyang biyenang babae. Nagmano si Elmer.
"Nay si Goody po?"
"Nasa kuwarto."
"Ang mga bata po?"
"Nagsisipaglaro."
"Me tampo si Goody Nay."
"Oo nga. Sige puntahan mo na sa kuwarto."
"Salamat po Nay."
Pinasok niya sa kuwarto si Goody. Naabutan niyang nagbabasa si Goody habang nakahiga.
"Sweetheart..." bati niya.
Walang sagot. Patuloy sa pagbabasa. Parang walang narinig si Goody.
Lumapit si Elmer at dinampian ng halik sa pisngi ang asawa. Iniiwas pero huli na.
"Sorry, sweetheart mahirap iwanan ang trabaho. Alam mo ito di ba?"
"Lagi ka na lang ganyan. Puro trabaho. Wala ka nang panahon sa amin ng mga anak mo!"
Laging ganoon ang naririnig niya kay Goody. At hindi niya malaman kung ano pa ang gagawing pagpapaliwanag dito. Hindi siya maunawaan.
"Gusto mo mag-resign na ako," sabi niya nang nagmamatigas pa rin si Goody.
(Itutuloy)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended