Jamias (Ika-38 labas)
December 9, 2003 | 12:00am
(Tunay na kasaysayan ni Police Supt. Elmer Mejorada Jamias, WPD Station 2 Command)
KAPAG may mabigat na operation sina Jamias, hindi niya nalilimutang humingi ng patnubay sa Diyos at bago umalis sa Station 3, umuusal siya ng dasal kay San Miguel Arkanghel na kanyang patron. Hinihiling na iligtas siya sa kapahamakan.
Natatandaan ni Jamias nang gabing magkaroon sila ng operation sa public enemy number 1 ng Maynila na si Macmod, nagpaalam siya sa kanyang patron na si San Miguel at hiniling ng pagtatagumpay at kaligtasan.
At alam niya, isang himala ang nangyari sa kanya ng gabing iyon sapagkat nang barilin siya ni Macmod sa may layong pitong metro ay hindi siya tinamaan. Alam niya, sharpshooter si Macmod at sa bawat pinatay nitong pulis, isang bala lang ang ginagamit nito. At sa may layong pitong metro, imposibleng sumablay si Macmod, pero nangyari nga na hindi siya tinamaan. Para bang lumihis ang bala sa kanya. Ang bagay na iyon ay naging palaisipan sa kanya at sa dakong huli, alam niyang ang matinding panalangin niya sa Diyos at sa kanyang patron ang nagligtas sa kanya. Tinulungan siyang makaligtas at upang mahuli na rin ang madulas na killer.
"Salamat, Panginoon ko. Salamat San Miguel sa kaligtasang ipinagkaloob mo," naiusal niya pagkaraan ng engkuwentro kay Macmod.
Maraming beses pang naharap sa panganib si Jamias at naligtasan niya ang mga iyon dahil sa matinding paniniwala sa Diyos. Hindi kailanman siya nakalilimot. Bago magtrabaho humihingi siya ng tulong. Una ang diyos sa lahat. Maging sa pakikipaglaban sa mga drug pushers sa kanyang nasasakupan ay maraming ulit siyang naligtasan ang kapahamakan.(Itutuloy)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended