Jamias (Ika-28 labas)
November 29, 2003 | 12:00am
(Tunay na kasaysayan ni Police Supt. Elmer Mejorada Jamias, WPD Station 2 Command)
BAGAMAT tinamaan sa unang bugso ng putok mula kay Macmod, nagawa pang makipagpalitan ng putok si Chief Insp. Pipalawan Alonto. Palibhasay mahusay din sa baril si Alonto, tinamaan niya sa tuhod si Macmod. Dalawang baril ang hawak ni Macmod, isang kalibre 45 at kalibre 38. Nangyari ang pag-ambush sa Legarda St. dakong alas-kuwatro ng hapon noong March 8, 1999. Nakasakay si Alonto sa owner type ng ambusin kasama ang asawa niyang si Farida. Sa barilang iyon, isang estudyante ang tinamaan ng ligaw na bala. Patay on-the-spot ang 15-anyos na si Nelfe Berry.
Pero hindi pa iyon ang pinakamadugong nangyari ng araw na iyon ng March 8 na kinasasangkutan ni Macmod. Bago ang pag-ambush kay Alonto, itinumba na ng grupo ni Macmod ang dalawang pulis mula sa Station 3 na pinamununuan ni Jamias.
Nagsi-serve ng warrant of arrests sina SPO1 Rustico Zaldua, PO3 Chester Patagan at PO1 Arnel Abat sa mga miyembro ng sindikato sa Pasaje del Pasig, Castillejos St. Quiapo Manila. Kasama nina SPO1 Zaldua, PO3 Patagan at PO1 Abat ang Barangay Kagawad na si Josefino Buco sa bahay na kinaroroonan ng grupo ng sindikato.
Tahimik silang naglalakad patungo sa bahay pero ang tensiyon ay matindi. Wala silang makitang tao sa makipot na eskinita. Pagsapit sa sadyang bahay ay lalo nang namayani ang katahimikan. Para bang may ibinabadyang panganib.
Sa isang iglap ay bumuga ang mga tingga. Sapol ang dalawang pulis. Bulagta agad. Hindi nakaganti sa mga hindi nakikitang miyembro ng sindikato. Si SPO1 Zaldua at Kagawad Buco ay duguan pero buhay.
Nagngitngit si Jamias sa pangyayaring iyon. Unang pagkakataon na nalagasan siya ng pulis. Maging ang mga kasamahang pulis sa Station 3 ay gimbal sa sinapit nina Abat at Patagan.
"Hindi ako titigil hanggat hindi ka nahuhuli, Macmod," pangako ni Jamias sa sarili.
Inasikaso niya muna ang mga napatay na pulis saka agad na isinunod ang paghahanap ng mahahalagang impormasyon kung paano mahuhuli, patay o buhay si Macmod.
(Itutuloy)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended